Typical





photo credit:  http://lilovestories.blogspot.com/2010/09/baga-angid-bsn-muchuud.html



Writer's note:  This story was originally posted in my Multiply account in February 5, 2009, more than ten years ago.  I am sharing it again.  
Warning though, these is ultra cheesy.  If you want to add more cheese into it, play the You Tube link below on a loop.  'Yun kasi ang soundtrack n'ya.  

https://www.youtube.com/watch?v=VgbRP_zDLJs

Enjoy!



Typical
Posted by Mac on Feb 5, '09 7:32 AM for everyone


Inspired na naman akong mag-kwento.  Yung mababasa n’yo ay gasgas na at paulit-ulit na ‘yung topic at mga pangyayari, pero kasi totoo naman ang lahat.  Siguro at one point in our lives pwede tayong maka-relate sa mga ganito, o sa isang kanta, o sa pelikulang “One More Chanc”e, o sa kahit anung kwento ng pag-ibig.   Kasi Love is universal.  Buti na lang, at one point, pwede ko ding sabihin na naka-relate ako.  At umiyak. 











Matagal na kaming magkaibigan ni Jane.  Grade 3 pa lang.  Kasi, lagi syang pinasasabay ng nanay n'ya sa akin tuwing papasok sa eskuwela at pag uuwi na ng bahay simula ng lumipat sila sa bayan namin. 



Wala naman siyang kibo.  Kahit sabay kami maglakad pauwi, hindi naman n'ya ako kakausapin.  Ako, iinom ng buko juice na nasa plastik; s’ya, may dalang cornik na tinutungga ‘yung plastik na parang bote, tsaka didilaan 'yung wrapper para simutin ang asin pag ubos na lahat ng cornik.   Aalukin n'ya ako bago s’ya dumukot pero alam kong ayaw n’ya akong kumuha kaya tatanggi na lang ako.  Ako naman, sisipsipin ko muna yung buko bago ko s'ya alukin kasi kahit ako, ayoko s'yang maki-inom sa akin.



Ganoon lang kami.  Naglalakad ng tahimik.



Hindi ko na matandaan kung kelan kami nag-umpisang mag-usap pauwi ng bahay.  Basta alam ko, pagkatapos naming maglaro ng agawang-base sa school, magiging mag-kaaway ang mga babae at lalaki.  Pero pag uwian na, bati na kami uli, kahit kaming mga boys ang nanalo at kinabog na ako ni Jane sa likod na kulang na lang ay sumuka ako ng dugo.  Bati pa rin kami ‘pag dismissal na.



Nung mag-highschool kami, lalong ipinagbilin sa akin si Jane ng kanyang nanay, kasi nag-iisa daw s'yang anak, at kailangan pa naming mag byahe ng thirty minutes bago makarating sa pinakamalapit na high school sa aming bayan.



Naging issue kami nuong high school.  Pilit kaming tuksuhing dalawa pero alam naman namin na magkaibigan lang kami.  Totomboy tomboy kasi itong si Jane.  Kilos lalaki, laging naka-maong pants na may maluwang na t-shirt kung hindi s’ya naka-uniform.  At magaling din s’ya sa volleyball.



Pilit kaming ipares at tuksuhin ng aming mga kaklaseng babae na sa panahong iyon ay on their height of adolescence (puno ng taghiyawat ang mukha at walang ginawa kundi manalamin), at halos mamatay kakatili kapag kami na ang pinagpapartner sa mga play.  Syempre naman, wala akong choice.  Hindi ko naman pwedeng iwanan sa ere si Jane, kasi nga, ibinilin s'ya sa akin.  Hindi ko tuloy madiskartehan nuon si Sarah, kahit tipo ko siya at crush na crush.  Kasi ang akala n'ya, kami na talaga ni Jane.



"Torpe ka kasi, bro!", sabi sa akin ni Jane.  "Ginagawa mo lang akong excuse".



"Manahimik ka na lang dyan."  ‘Yun lang ang masasabi ko pag iiwasan na ako ni Sarah kung mag-aalok akong ilibre sya ng pansit sa canteen, habang si Jane ay naka-ready ng mang-asar.



Kaya nung prom night, kami pa rin ni Jane ang magka-partner.  Kasi ayaw pumayag ni Sarah sa aking invitation, for obvious reasons.  At pilit din namang iniiwasan ni Jane ang kanyang dakilang stalker na si Daprinze.  Promise, ‘yun ang pangalan n’ya.  S’ya ‘yung designated school bully pero di s’ya umubra kay Jane.  Iniisnab naman s’ya nito kasi:  "ang pangit, parang may gutter sa labi."  Hindi daw s'ya magiging proud sa ka kanyang prom picture ‘pag tanda n’ya.  At least daw ako, mukhang tao.



"Ang sama mo", sabi ko.  Totoo naman, she would argue.  And I would eventually agree.



So ako ang nagsayaw sa kanya ng patugtugin ang King and Queen of Hearts sa dance floor, pati na 'nung magwala sya sa kanta ng Spice Girls na Wannabe (yo, tell me whatyouwantwhatyoureallyreallywant!).  Ako lang din ang umawat sa pagsasayaw n’ya, kasi nasisilipan na siya ng mga manyak kong kaklase.





Bago mag-college, tinanong n'ya ako kung saan ako papasok.



"Dyan na lang din kaya ako sa papasukan mo, para sabay tayo lagi?  Nakakatakot sa Maynila, parang hindi ko kakayanin mag-isa", sabi n'ya sa akin.



"Sasabay ka na naman sa akin...?  Kaya hindi ako magka-girlfriend dahil sa iyo e."



"Bakla ka kasi.  Wala kang bayag, di ka marunong manligaw.", panglalait n'ya.



"Nagsalita ang dalagang tomboy."  At babatukan n'ya ako.  Hindi naman ako makaganti.



So ganoon nga ang nangyari.  Nang mag-Maynila ako para mag-college, nakigaya din siya ng course, at ng university.  Ang bahay namin ay isang kanto lang ang layo sa isa’t-isa.   Sa first sem ng first year, magkaklase pa rin kami.  Sabay sa lahat ng bagay: sa pagkain, uwian at pati pagsisimba.  Sa mga group projects, lagi kaming magkasama, so inissue na naman kami ng aming mga inglesero at ingleserang classmates.  Di na lang namin pinansin.  Sanay naman na kami.



Pero nung mag-college kami, medyo nag-ayos ayos na si Jane.  Mahinhin na ng kaunti kumilos, kasi madami na din ang nanligaw sa kanya.  Magaling kasi s'ya sa Math kaya attracted sa kanya 'yung mga kaklase naming mahina sa numbers pero may magagarang kotse kaya mukhang mga matatalino na din.  Minsan, madadawit ako kapag ihahatid na siya pauwi ni Dennis or ni Rex.  Hindi siya papayag pag hindi ako kasabay.  Ako naman, ia-assure ko sila na wala lang sa akin si Jane, sasabihin ko, "Di kami talo n'yan.  Lalaki yan e."



Pero biglang iba na ang nangyari nung finals na namin sa P.E. nung 2nd year kami.  Ito na lang ang subject na magkakalase kami nuong panahong 'yun kaya na-eexcite akong makipagkwentuhan sa kanya dahil hindi na kami gaanong nagkakasabay pauwi, at nagkakasama sa mga kainan at gimikan.  Naghihintay ako sa kanya sa bleachers at nakita ko siya sa malayo, patawid ng court.  Kasalukuyang naglalaro nuon ang volleyball team.  Kumaway muna sya at nagtatalon tapos biglang tumakbo papunta sa akin.



Hindi ko alam kung bakit naging slow motion ang lahat nuong makita ko s’yang palapit sa akin.



At bigla na lang bumulusok papunta sa kanya ang isang matinding serve ng isang player.   Tinamaan sya sa ulo, at bigla syang napahiga.  Bigla siyang nagsisigaw at tingingnan kung saan nanggaling ang bola.  "Gago ka talaga Mark!"



Ako, nakatunganga lang.  Tinitingan ko siya habang tumatayo ng dahan-dahan at nagpapagpag ng shorts.



Bakit ganito?  Parang iba s'ya ngayon.



Naisip ko s'yang humihigop ng cornik sa plastic, binabatukan ako, naglalaro ng volleyball na may losyang na t-shirt, at sumasayaw ng Wannabe.



Bakit parang hindi ko siya kilala ngayon?  Pero lubos ko s'yang kilala at the same time?



"Hoy!  Hindi mo man lang ako tinulungan d'yan!"



"Sorry."  Yun lang ang nasabi ko.



Wala akong kibo ng buong period na yun.  Barely passing lang kami sa finals ng PE kasi palpak ako lagi sa mga serve.  Tapos, hindi na ako sumabay umuwi sa kanya kaya nagpaalam ako agad pagka-shower, sabi ko nagmamadali ako dahil may errand ako sa Physics adviser namin.  Pero the whole time, sinasabi ko sa sarili ko, "Umayos ka.  Bro mo 'yan."



Hindi ako pinatulog ni Jane ng gabing 'yun.  Kahit text s'ya ng text the whole time at nagtatanong kung ano ang problema kasi hindi ako nagre-reply.



Magmula nuon, yung pangalan na n'ya ang hinihintay kong lumitaw sa inbox ng telepono ko.  At lagi akong natutulog na naghihintay sa mga good nite n’ya; at gigising at aasa na maggu-good morning s’ya sa akin kinabukasan.



Duon ko naramdaman ang pagseselos kay Dennis.  Hindi na ako sumasabay sa "service" n'ya pag pauwi kasi para akong gago sa likod ng kotse habang sila ay nilalanggam sa harap.  Hindi na rin ako gaanong nakikinig sa kwento n'ya na kinikilig s'ya sa mga labas nila ni Dennis pero hindi n'ya pinapahalata sa mokong na 'yun para hindi daw s'ya magmukhang easy to get.  Ako tatawa lang at iinbahin ang topic.  Pero sa loob ko para n'ya akong pinapatay ng unti-unti. 



Alam ko mahal ko na si Jane.  Pero hindi ko masabi sa kanya.  Ang hirap.




.....to be continued












Comments

  1. Such a bitter-sweet growing up story na halos lahat tayo makaka-relate.

    I always enjoy reading your stories. Your writing style has a certain cadence in it. It’s very melodic.
    Waiting for the next part...

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamat sa words of encouragement. I really appreciate it.

      Delete
  2. Throwback 1988. Parang pwedeng isubmit ang kuwento sa Channel 9. Ang tema, "Young Love Sweet love".

    Bakit kinikilig ako nung sudden change of tempo ang istorya? May mga moments na i can relate. My heart fluttered a bit, waiting for what your protagonist would do next.
    And then there's the part na sana umamin ka para no regrets.

    It's an easy read. No ostentatious expressions. It definitely made me want to visit the gradeschool -college memories of my own.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts