Typical
photo credit: http://lilovestories.blogspot.com/2010/09/baga-angid-bsn-muchuud.html
Writer's note: This story was originally posted in my Multiply account in February 5, 2009, more than ten years ago. I am sharing it again.
Warning though, these is ultra cheesy. If you want to add more cheese into it, play the You Tube link below on a loop. 'Yun kasi ang soundtrack n'ya.
https://www.youtube.com/watch?v=VgbRP_zDLJs
Enjoy!
Typical
Posted by Mac on Feb 5, '09 7:32 AM for everyone
Inspired na naman akong mag-kwento.
Yung mababasa n’yo ay gasgas na at paulit-ulit na ‘yung topic at mga
pangyayari, pero kasi totoo naman ang lahat.
Siguro at one point in our lives pwede tayong maka-relate sa mga ganito,
o sa isang kanta, o sa pelikulang “One More Chanc”e, o sa kahit anung
kwento ng pag-ibig. Kasi Love is
universal. Buti na lang, at one point,
pwede ko ding sabihin na naka-relate ako.
At umiyak.
Matagal na kaming magkaibigan ni Jane.
Grade 3 pa lang. Kasi, lagi syang
pinasasabay ng nanay n'ya sa akin tuwing papasok sa eskuwela at pag uuwi na ng
bahay simula ng lumipat sila sa bayan namin.
Wala naman siyang kibo. Kahit
sabay kami maglakad pauwi, hindi naman n'ya ako kakausapin. Ako, iinom ng buko juice na nasa plastik; s’ya,
may dalang cornik na tinutungga ‘yung plastik na parang bote, tsaka didilaan
'yung wrapper para simutin ang asin pag ubos na lahat ng cornik. Aalukin n'ya ako bago s’ya dumukot pero alam
kong ayaw n’ya akong kumuha kaya tatanggi na lang ako. Ako naman, sisipsipin ko muna yung buko bago
ko s'ya alukin kasi kahit ako, ayoko s'yang maki-inom sa akin.
Ganoon lang kami. Naglalakad ng
tahimik.
Hindi ko na matandaan kung kelan kami nag-umpisang mag-usap pauwi ng
bahay. Basta alam ko, pagkatapos naming
maglaro ng agawang-base sa school, magiging mag-kaaway ang mga babae at
lalaki. Pero pag uwian na, bati na kami
uli, kahit kaming mga boys ang nanalo at kinabog na ako ni Jane sa likod na
kulang na lang ay sumuka ako ng dugo.
Bati pa rin kami ‘pag dismissal na.
Nung mag-highschool kami, lalong ipinagbilin sa akin si Jane ng kanyang
nanay, kasi nag-iisa daw s'yang anak, at kailangan pa naming mag byahe ng
thirty minutes bago makarating sa pinakamalapit na high school sa aming bayan.
Naging issue kami nuong high school.
Pilit kaming tuksuhing dalawa pero alam naman namin na magkaibigan lang
kami. Totomboy tomboy kasi itong si
Jane. Kilos lalaki, laging naka-maong
pants na may maluwang na t-shirt kung hindi s’ya naka-uniform. At magaling din s’ya sa volleyball.
Pilit kaming ipares at tuksuhin ng aming mga kaklaseng babae na sa
panahong iyon ay on their height of adolescence (puno ng taghiyawat ang mukha
at walang ginawa kundi manalamin), at halos mamatay kakatili kapag kami na ang
pinagpapartner sa mga play. Syempre
naman, wala akong choice. Hindi ko naman
pwedeng iwanan sa ere si Jane, kasi nga, ibinilin s'ya sa akin. Hindi ko tuloy madiskartehan nuon si Sarah,
kahit tipo ko siya at crush na crush.
Kasi ang akala n'ya, kami na talaga ni Jane.
"Torpe ka kasi, bro!", sabi sa akin ni Jane. "Ginagawa mo lang akong excuse".
"Manahimik ka na lang dyan."
‘Yun lang ang masasabi ko pag iiwasan na ako ni Sarah kung mag-aalok
akong ilibre sya ng pansit sa canteen, habang si Jane ay naka-ready ng
mang-asar.
Kaya nung prom night, kami pa rin ni Jane ang magka-partner. Kasi ayaw pumayag ni Sarah sa aking
invitation, for obvious reasons. At
pilit din namang iniiwasan ni Jane ang kanyang dakilang stalker na si Daprinze. Promise, ‘yun ang pangalan n’ya. S’ya ‘yung designated school bully pero di
s’ya umubra kay Jane. Iniisnab naman
s’ya nito kasi: "ang pangit, parang
may gutter sa labi." Hindi daw s'ya
magiging proud sa ka kanyang prom picture ‘pag tanda n’ya. At least daw ako, mukhang tao.
"Ang sama mo", sabi ko.
Totoo naman, she would argue. And
I would eventually agree.
So ako ang nagsayaw sa kanya ng patugtugin ang King and Queen of Hearts
sa dance floor, pati na 'nung magwala sya sa kanta ng Spice Girls na Wannabe
(yo, tell me whatyouwantwhatyoureallyreallywant!). Ako lang din ang umawat sa pagsasayaw n’ya,
kasi nasisilipan na siya ng mga manyak kong kaklase.
Bago mag-college, tinanong n'ya ako kung saan ako papasok.
"Dyan na lang din kaya ako sa papasukan mo, para sabay tayo
lagi? Nakakatakot sa Maynila, parang
hindi ko kakayanin mag-isa", sabi n'ya sa akin.
"Sasabay ka na naman sa akin...?
Kaya hindi ako magka-girlfriend dahil sa iyo e."
"Bakla ka kasi. Wala kang
bayag, di ka marunong manligaw.", panglalait n'ya.
"Nagsalita ang dalagang tomboy." At babatukan n'ya ako. Hindi naman ako makaganti.
So ganoon nga ang nangyari. Nang
mag-Maynila ako para mag-college, nakigaya din siya ng course, at ng
university. Ang bahay namin ay isang
kanto lang ang layo sa isa’t-isa. Sa
first sem ng first year, magkaklase pa rin kami. Sabay sa lahat ng bagay: sa pagkain, uwian at
pati pagsisimba. Sa mga group projects,
lagi kaming magkasama, so inissue na naman kami ng aming mga inglesero at
ingleserang classmates. Di na lang namin
pinansin. Sanay naman na kami.
Pero nung mag-college kami, medyo nag-ayos ayos na si Jane. Mahinhin na ng kaunti kumilos, kasi madami na
din ang nanligaw sa kanya. Magaling kasi
s'ya sa Math kaya attracted sa kanya 'yung mga kaklase naming mahina sa numbers
pero may magagarang kotse kaya mukhang mga matatalino na din. Minsan, madadawit ako kapag ihahatid na siya
pauwi ni Dennis or ni Rex. Hindi siya
papayag pag hindi ako kasabay. Ako
naman, ia-assure ko sila na wala lang sa akin si Jane, sasabihin ko, "Di
kami talo n'yan. Lalaki yan e."
Pero biglang iba na ang nangyari nung finals na namin sa P.E. nung 2nd
year kami. Ito na lang ang subject na
magkakalase kami nuong panahong 'yun kaya na-eexcite akong makipagkwentuhan sa
kanya dahil hindi na kami gaanong nagkakasabay pauwi, at nagkakasama sa mga
kainan at gimikan. Naghihintay ako sa
kanya sa bleachers at nakita ko siya sa malayo, patawid ng court. Kasalukuyang naglalaro nuon ang volleyball
team. Kumaway muna sya at nagtatalon
tapos biglang tumakbo papunta sa akin.
Hindi ko alam kung bakit naging slow motion ang lahat nuong makita ko s’yang
palapit sa akin.
At bigla na lang bumulusok papunta sa kanya ang isang matinding serve
ng isang player. Tinamaan sya sa ulo,
at bigla syang napahiga. Bigla siyang
nagsisigaw at tingingnan kung saan nanggaling ang bola. "Gago ka talaga Mark!"
Ako, nakatunganga lang.
Tinitingan ko siya habang tumatayo ng dahan-dahan at nagpapagpag ng
shorts.
Bakit ganito? Parang iba s'ya
ngayon.
Naisip ko s'yang humihigop ng cornik sa plastic, binabatukan ako,
naglalaro ng volleyball na may losyang na t-shirt, at sumasayaw ng Wannabe.
Bakit parang hindi ko siya kilala ngayon? Pero lubos ko s'yang kilala at the same time?
"Hoy! Hindi mo man lang ako
tinulungan d'yan!"
"Sorry." Yun lang ang
nasabi ko.
Wala akong kibo ng buong period na yun.
Barely passing lang kami sa finals ng PE kasi palpak ako lagi sa mga
serve. Tapos, hindi na ako sumabay umuwi
sa kanya kaya nagpaalam ako agad pagka-shower, sabi ko nagmamadali ako dahil
may errand ako sa Physics adviser namin.
Pero the whole time, sinasabi ko sa sarili ko, "Umayos ka. Bro mo 'yan."
Hindi ako pinatulog ni Jane ng gabing 'yun. Kahit text s'ya ng text the whole time at
nagtatanong kung ano ang problema kasi hindi ako nagre-reply.
Magmula nuon, yung pangalan na n'ya ang hinihintay kong lumitaw sa
inbox ng telepono ko. At lagi akong
natutulog na naghihintay sa mga good nite n’ya; at gigising at aasa na
maggu-good morning s’ya sa akin kinabukasan.
Duon ko naramdaman ang pagseselos kay Dennis. Hindi na ako sumasabay sa "service"
n'ya pag pauwi kasi para akong gago sa likod ng kotse habang sila ay
nilalanggam sa harap. Hindi na rin ako
gaanong nakikinig sa kwento n'ya na kinikilig s'ya sa mga labas nila ni Dennis
pero hindi n'ya pinapahalata sa mokong na 'yun para hindi daw s'ya magmukhang
easy to get. Ako tatawa lang at iinbahin
ang topic. Pero sa loob ko para n'ya
akong pinapatay ng unti-unti.
Alam ko mahal ko na si Jane.
Pero hindi ko masabi sa kanya.
Ang hirap.
.....to be continued



Such a bitter-sweet growing up story na halos lahat tayo makaka-relate.
ReplyDeleteI always enjoy reading your stories. Your writing style has a certain cadence in it. It’s very melodic.
Waiting for the next part...
maraming salamat sa words of encouragement. I really appreciate it.
DeleteThrowback 1988. Parang pwedeng isubmit ang kuwento sa Channel 9. Ang tema, "Young Love Sweet love".
ReplyDeleteBakit kinikilig ako nung sudden change of tempo ang istorya? May mga moments na i can relate. My heart fluttered a bit, waiting for what your protagonist would do next.
And then there's the part na sana umamin ka para no regrets.
It's an easy read. No ostentatious expressions. It definitely made me want to visit the gradeschool -college memories of my own.