Utang Na Naman

Photo Credit: Facebook.com/Utang Memes

 


Dalawang klase lang naman ang mga tao sa mundong ito.   ‘Yung mga nangungutang, at nagpapautang.  Kadalasan, ‘yung nasa group 2, (raises my hand and shakes it hard), laging may trauma na sa mga taong bigla na lang magpaparamdam ng walang kaabog-abog kasi para silang may pinapahiwatig (Bangko Sentral is waving).    Sila ‘yung tipo ng mga taong mapapataas ang kilay kahit elevated na ito kapag nakatanggap sila ng missed call, DM or text message galing sa mga taong mahilig mag “hi” or “sup”.   Bigla na lang sila nati-trigger sa mga messages na akala nila concerned lang sa kanilang welfare kasi nangungumusta, then after nilang maging cordial, excited and friendly, bigla na lang silang bubuweltahan ng linyang: “Pasensya ka na, short lang ako ngayon.  Babayaran din kita next month.”  Sa totoo lang, ‘yung next month na tinutukoy n’ya is equivalent to eternity.   Kumbaga, ipagpasa D’yos na lang nating lahat ang 2K na hinihing....este inuuutang n’ya kasi hindi na ‘yun makikita.  Ever.   Consider it a beautiful memory.           

In the end, sila pa ang mahihiya maningil sa taong involved.   At kung magkaroon man sila ng lakas ng loob na tanungin kung may balak pa ba s’yang magbayad ng kanyang inutang, sila pa ang lumalabas na masama, madamot, mukhang pera, at gahaman.  

 

Usually naman, hindi ako madamot, at handa akong magbigay sa mga taong  tunay na nangangailangan ng tulong.   Take note of the qualifier “tunay”.   Because people that are in need should be honest and deserving.   Kasi kadalasan ng mga chronic utangeros- madaming dahilan at palusot.   In short, sinungaling.   Kahit white lie pa yan, it’s still a lie, no black or white.  Minsan, may dahilan sila na kailangan daw nila ng pambili ng gamot ng kanilang tatay, or minsan naman pambayad ng kuryente, and sometimes, even the silly things: like, pambili ng pagkain ng alaga nilang Husky.   Seryoso ‘to kasi may kilala ako na nangutang dahil naubusan sila ng dog food.  Nagtataka nga ako kung bakit naging dahilan ito ng pangungutang, sa sobrang ridiculous ng dahilan, baka naman totoo.   Pero may mga questions ako:   Una sa lahat: bakit? Obligasyon ko ba na pakainin ko ang aso mong winter breed tapos napagdesisyunan mong i-relocate sa isang tropical nation?  Pangalawa: Bakit ako mamomroblema sa aso mong high maintenance?  Sana, hinayaan mo na lang sya sa northern hemisphere para hindi na s’ya naghihirap sa Pilipinas. 

 

Paano mo ba masasabi na you do not belong in the category #1 group of people: ‘yung mga taong naging hobby na ang mangutang.   

Well unang-una sa lahat, hindi ka creative.   ‘Yung mga taong mahilig mangutang, very vivid ang kanilang imagination, hence the Husky example above.   Kaya nilang gumawa ng kwento na may exposition, rising action, climax, falling action at conclusion.  Kadalasan, sa climax involved ‘yung- pag di mo sila pinautang, nasa bingit na sila ng kamatayan at ikaw pa ang may kasalanan kung bakit sila mate-tegi.     

 

Second, consistent ka.   Most utangeros are inconsistent.   Kaya nga sila creative, pabago-bago ang kanilang kwento.   At sa dami ng stories, hindi na nila ma-keep track kung aling version ng multi-verse ang idinahilan nila sa iyo or sa mga iba pang mga tao na inutangan nila.  Sa version mo, kailangan nilang makapag produce ng 25k worth na gamot.  Sa version naman ng kaibigan mo, kailangan nila ng pambayad ng tubig kasi wala na silang pampuno ng kanilang imaginary swimming pool.   The lies never match up.   

 

Third, hindi ka friendly.   Kasi you keep your true friends at a minimum.   Ang mga utangeros, madami silang contacts.   In fact, lahat ng contacts nila ay makakatanggap ng blanket message para tingnan kung sino ang kakagat sa pain nila na that they are in dire need of G-Cash.   O di ba friendly sila?  At once mayroon na silang pera, ililibre nila lahat ng kanilang kaibigan, except for you, kasi they would like to show off na galante sila, at hindi sila naghihirap.   Pero sa mga mata mo, naghihikahos sila.  

 

Fourth, kuripot ka.    Hindi ka manlilibre unless birthday mo.   Minsan nga, nagtatago ka pa pag birthday mo kasi ayaw mong mag-blow out.  Madalas, sa panahon ng kagipitan, mas gusgustuhin mo ng magbenta ng laman kaysa sa mangutang sa mga friends mo kasi nahihiya ka.   Alam mo sa sarili mo na you can raise the funds for yourself with hard work and conviction.   Ang mga taong mahilig mangutang, walang regard for your sake.  Meanwhile, habang ikaw ay nagbabanat ng buto para kumita ng pera, bigla na lang bubulaga sa Facebook feed mo na nagpa-party sila with matching catering and a full-sized lechon, not just the belly or the head, but the entire body (perhaps even the soul) of the pig.   Gusto mo tuloy itanong kung inutang n’ya din ang pam-party na ‘yun.  Then, what’s the point of having a party if you cannot pay for it on your own?  What’s the point of bragging your blessings when it’s a borrowed one?  

 

Fifth, hindi ka naman talaga mayaman.  Akala lang nila madami kang pera kasi nasa abroad ka, or dahil never kang nanghingi ng pera sa iba.   Sa totoo lang, mas mayaman pa nga yata ang mga utangero kaysa sa ‘yo kasi kapag ma-liquidate lahat ng kanilang ari-arian at ma-total lahat ng inutang nila sa ibat’-ibang tao, you would consider them hacienderos.     You don’t have 150k at hand unlike they think you do because eventually, they will ask for this amount once you provided them with 2,000.   Once you financed them the minimum they are asking for, the ceiling goes up- nag-aadjust din for inflation ang needs nila.      

 

In reality, hindi porket nasa abroad ang isang tao ay automatic na tumatae na s’ya ng pera.   I am one of them-people.   Mas madalas nga constipated pa ako.   Pag nakikita nilang lumilibot ako, or kumakain sa labas, hindi ibig sabihin ‘nun ok ang buhay ko 100%.   Like everyone else, including the utangeros, kailangan ko  din magbayad ng kuryente, tubig at mortgage ng bahay.  Umiinom din ako ng gamot, kasi mataas ang choleterol ko.   ‘Yung mga ginastos ko sa libot, sa pagkain, sa kung anuman, pinaghirapan ko ‘yun, hindi ko ‘yun tinae, as most of them would think.    

To those who belong to the first group: please do not compare your plate to mine, kasi baka pag natikman mo ang dish na nasa plato ko, baka masuka ka sa pait ng lasa nito.   Lahat tayo may pinagdadaanan, hindi lang natin alam kung ano.   Kung may pinagdadaanan ka sa buhay, e bakit nga ba kasi dumaan ka d’yan?   Choice mo ‘yan e.   Same din na choice ko na huwag magpautang.   Wala akong obilgasyon sa iyo.   

I do not owe you an explanation if I decide not to lend you money.   On the other hand, you are obliged to present me an honest dissertation on why you are asking me for cash, when I can see clearly that you don’t have any problems shitting me with your lies as you enjoy your day at the spa pamepering yourself with a massage or feasting on a lechon on your birthday.   

Feeling ko nga, kung sabihin ng mga taong ito na pahingi na lang ng pera (kesa sa utangin nila) baka mas maluwag pa ang bulsa ko na magbigay.  At least ‘yun, honest sila.  

 

And please, if you will ask for money, put a little effort in to it.  Hwag mong i-copy-paste ang message mo from last week.  Because in your heart, you know that I saw all those messages; I just chose to ignore them.    The same way I am ignoring your feelings now if you ever feel slighted by this exposition.   I don’t have a problem.   You do.   Deal with it.  

 

September 13, 2023

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Comments

Popular Posts