Pimpol are Pimpol
Meron ako ngayong isang malaking pimpol sa mukha na
nagsusumigaw ng: “Tagyawat ako!” Ito
yung tipong mamula-mula yung gilid, tapos kulay dilaw sa periphery ng mismong
pimpol, at to top it all off, may mata
sa gitna. Pigsa na hindi. Piglet
kumbaga. Sa laki ng tagyawat mukhang
pigsang maliit. At sa iba pang bahagi ng
aking mukha nagkalat din ang mag pimplets (i.e. small pimples).
Nakakainis. Dahil
dati hindi ko pinoproblema ang mukha ko.
Pwede na ang Likas Papaya, effective na beauty regimen, kahit tanungin
n’yo pa si April Boy Regino (dahil ang alam ko yun ang kanyang one and only
vanity). Kaso nga lang ngayon, mula ng
tumuntong ako sa land of the star spangled banner, yung mukha ko ay nagmukhang
isang race track. Kinabog ng tigidig.
Huli kong naging problema ito nung high school pa ako. Akala ko tapos na ako sa puberty stage, ayun
pala nagse-second childhood na ako. Amp.
By now, the cosmetic industires must be having a field day
with me because I end up trying every product that is displayed out there
promising clear skin. Dapat bayaran nila
ako kasi isa na akong guinea pig ng kanilang mga produkto. At ang mukha ko ay isang chemistry lab ng
salicylic acid at benzoyl peroxide.
Minsan pa nga, pati buhok ko damay na sa mga experiments ko e. Hindi ko alam kung dahil ba sa hangin yan, o
sa tubig, o sa stress na makipag usap sa ingles. Hindi ako sanay sa ingles, lalo na kung
kailangang lagyan ng American
accent. Kasi kahit anong pilipit
ng dila ko, hindi ko pa din makuha ang accent nila. Lalo na ang mga lintyakan na mga pronouns na
‘yan, napapagpalit ko. Kasi ba naman
yung mga panghalip sa atin, walang kasarian.
Kami, siya, sila, tayo. Pwedeng
tumukoy sa girl, boy, bakla, tomboy. Di ba
ambiguous at non-sexist? May equality.
Teka nga. Ba’t ba
napunta sa pronouns at equal rights ang usapan samanatalang nasa subject tayo
ng pimples? Mabalik tayo sa subject.
Dati effective ang Cetaphil sa akin na gamit nitong isang
supermodel daw. Wala namang inubra sa
akin. Naisip ko na baka iba ang formulation
ng manufactured in Cincinnati kesa sa manufactured in Mandaluyong City. Baka nadala ng simoy ng Ilog Pasig at mga
smog ng Manila Pollution. Malamang ‘yun
ang secret to clear, and beautiful skin.
Sa Cetaphil dito, parang naghilamos lang ako ng tubig sa mukha. Sinubukan ko din ‘yang mas effective daw sa
Proactiv. Max Clarity ang tawag (at
least kapangalan ko, baka compatible) kaso natuyo ang balat ko, parang yung kay
Piling..naaagnas. Erase, erase. Na –try ko din yung L’oreal (mahal, kaya ang
isip ko, tatalab kasi mahal), at na-realize ko na tatalab lang pala talaga ito
sa likas na makinis na. At sa mga taong
enhanced na ng camera. Sa mga mortal na
tulad natin, mangarap na lang tayo ng gising.
Hanggang magka-eye bags tayo.
Problema na naman ‘yan.
Pati nga Irish Spring at Dial pinatos ko na din, baka
sakaling tuyuin yung tagyawat ko hanggang pwede ko ng pitikin sa side para
matanggal, kaso nagmukhang disyerto sa tuyo naman. Kita na ang Stratum Basale. Natuyo pati sweat glands.
Ngayon, sabi nila, lilipas din yan, kasi nagaadjust pa daw
ako sa klima. Dinaananan ko na ang four
seasons dito sa Amerika…sana sa pag ikot uli ng taon, pagkatandaan ko na itong
phase na ito. Nakakinis kaya habang
nakapila ka sa counter habang kausap mo yung kahera at imbes na nakatingin sa
mata mo ‘yung babae, dun s’ya nakatingin
sa pimple mo. Malamang tumatakbo sa isip
nun: “pop goes the weasel” o
kaya..”patiris”. Patirisin mo mukha mo!
O baka naman tinatagyawat kasi inlab?
I can’t wait to get over this puberty.
photo courtesy by http://alishawritinglife.wordpress.com/2010/05/28/chemistry-and-the-double-standard



hahahaha... late bloomer! (At super late din ang comment ko, 2012 pa pala to.) Tuyo na mga tagyawat namin nyan, sayo pasibol pa lang hehehe..
ReplyDelete