Of Langaws and Reinarnations
Nakakainis yung mga batang langaw. Sila ‘yung mga tipong walang ense of
danger at sila din ‘yung tipong mahilig
mag-linger, dahil wala nga silang sense of danger. Kasi kanina, habang nagta-type ako sa computer,
may isang langaw na aaligid-aligd, na kahit anong bugaw ko, babalik at babalik
sya para usyusohin ang buhok ko habang nagke-create ng annoying and buzzing
sounds to my ear. Syempre, ako naming
itong si Mr. Focused on the Job,
nagmumura nan g P*ta%#in@ habang binubugaw ko s’ya. Yung katrabaho kong Amerikano, nakatawa lang
sa akin dahil mukha akong tanga sa pagbubugaw ng langaw at nagmumura na in
Tagalog.
Ang nakakainis dito, wala akong makitang matigas na bagay
para hambalusin ang langaw. At di ko din
naman sya mahahambalos dahil hindi sya dumadapo. Kung dumapo man s’ya, ayokong kamayin. Ang germs at MRSA ay nagkalat kaya sa
syudad na ito. Malay ko ba kung saan na
s’ya dumapo.
Ano kaya ang shelf life ng isang langaw? Kasi itong batang langaw na ito malamang
hindi magtatagal. Dati, naitanong ko na
yan: kaso sa mga langgam ko naman naisip ang mortality rate. Kasi halos araw-araw nun, pumapatay ako ng
langgam, hanggang sa mapanood ko ang pelikulang Isusumbong Kita sa D’yos. Nagkataon
lang naman kasi ang lahat ng mga guramis sa bahay ay nagkatipon-tipon at
umarkila sila ng “bala” ng Betamax one lazy Sunday afternoon. Ang pelikula ay siang historical romance that
spanned generations. Dito na-introduce
sa akin ang concept ng reincarnation. Akala ko nun, isa itong Christian belief
dahil ang lead character ng movie ay madre.
Nalimutan ko na ang gist ng kwento pero ipinaliwanag sa akin ng tatay ko
ang tungkol sa concept ng Circle of Life (wow, Simba moment ito). Masyado yata ako na-amaze sa concept. Inisip ko lagi yun araw araw at inisip ko din
kung may recollection ako ng aking past life.
Sabi ko, baka new soul ako, kasi napaka immature ko. E lahat naman yata immature pag grade four
ka.
So simula nun, hindi na ako pumapatay ng ipis. Kasi naawa ako. Hindi ako takot sa ipis. Gustong gusto ko nga hinhabol yung mga yun. Pero kapag may nakitang ipis ang nanay ko
dati, at pinapapatay sa akin, iaabot ko sa kanya ang tsinelas ko dahil hindi ko
yun papatyin. Ironic nga lang kasi
mahilig ako sa karne dati. Ipis do ko
mapatay pero kumakain ako ng kinatay na baboy at manok.
Ang gulo din ng concept na ito. Pero kinalaunan, na get-over ko na din yung
fixation ko sa reincarnation. Masyado na
kasing cheesy and romcom ang concept.
Kaya kinalaunan, bumibili na din ako ng insecticide para i-spray sa
bahay. At least hindi ko directly pinapatay
mga ipis. Although parang ganun na din
yun.
Kanina lang kasi, ‘yung makulit na langaw, ayaw akong
tantanan. Naalala ko tuloy yung
pelikulang sinasabi ko. At napaisip ako
kung sino yung langaw sa kanyang past life.
In the end, hindi ko din s’ya pinatay. Nandun pa din s’ya, lumipat sa katrabaho kong
Amerikano.
photo from: http://www.ikbis.com/amermbitar/shot/10318



Comments
Post a Comment