What the H.E.L.E.!


What the H.E.L.E!



Photo Credit: https://news.abs-cbn.com/news/08/16/18/presyo-ng-galunggong-patuloy-ang-pagtaas-da-payag-na-mag-import


This blog originally appeared in my multiply site on 2012 and edited it.  This essay is all in fun, so please don't take it seriously.  

_______

True story:  Nung grade five ako, inutusan ako na sumama sa bahay ng teacher ko para kunin ang sangkap para sa cooking contest ng classmate ko na sasabak sa “kusina quiz bee” ng hapong ‘yon.  Natuwa naman ako dahil ako ang napiling isama sa bahay ng teacher ko kasi takas sa lesson at libre libot.  At isa pa, sa tapat ng bahay nila ay nandun ang paborito kong tindahan ng kendi na hugis beans na iba-ibang kulay at may sugar coating na kahit magkandasugat-sugat ang iyong ngalangala, masarap pa din.  Binalak ko bumili ng kendi bago bumalik sa eskwela.

So ayun na nga, sumama ako sa aking guro, not knowing what to expect once I set foot on her humble abode.  At imbes na humble abode ang dinatnan ko, kural ang tumambad sa aking harapan.  Literally, kural.  Di ba ang kural ay madalas sambitin ng mga teachers na galit na galit sa kanilang mga “pupils” kapag dinatnan nilang nagkakaingay at wala sa kanilang mga silya?  For example:  “Ano ba itong kaguluhang ito?  Para kayong mga nakawala sa kural!”   Tinanong ko ang lola ko dati kung ano ang ibig sabihin ng nakawala sa kural.  Sabi n’ya, nakawala daw sa kulungan.  Actually, nabanggit yata sa Tagalog Bible ang salitang kural, pero I have to look.  Anyway….

Ganun, literally, ang bahay ng aking Home Economics teacher, may kulungan ng baboy sa sala.  Bago pa man ako pumasok sa pintuan ng bahay nila, nagbadya na ang amoy sa akin.  Pag pasok ko, hindi ako nakatinag sa kinatatayuan ko kasi sa isang side ng sala, nanduon ang bulaklaking sofa set, at sa kabilang side naman, malapit sa bintana, ang isang malaking inahing baboy na may tali sa leeg at ang kabilang dulo ay nakatali sa haligi ng bahay.  May ebs sa isang side, at may balde ng pagkaing  baboy sa harap nito.  Pinigil ko ang aking hininga.  Hindi ko nga alam kung hininga ko nga ang pinigil ko o ang aking suka.  Yung mga daliri ko sa paa, kumulubot.  Gusto kong lumutang kasi naka tsinelas lang ako at ramdam na ramdam ko na basa ang sahig kasi parang kalilinis lang.  Pero ang ebs…ang ebs…

Naisip ko, ito ba ang titser ko na nagtuturo ng Home Economics (aka H.E.L.E.) sa amin?  Wala pa yata nakapagsabi sa kanya na hindi magaling ang nakuha n’yang interior decorator.  Pero in fairness to her, pasado s’ya sa Livelihood part ng H.E.L.E.  Ang taba kasi ng inahing baboy-ready for slaughter na. 
Tapos bigla n’ya akong tinawag. 

“Joseph, halika dito sa kusina , tulungan mo kong buhatin ‘tong bigas.”

Kung alam ko lang ang word na “shit” nung panahong  ‘yun, malamang nasabi ko na.  Kasi tatawirin ko ang dead sea of puddle of water fresh from the bagong banlaw of sahig with my thin tsinelas (which is my usual school footwear).  At habang dahan-dahang kong binabaybay ang sala papuntang kusina, na parang isang kilomtero ang layo, takot na mabasa ang paa, at takot na masuwag ng inahing baboy, nagdadasal ako na wag madulas.  Kung akala n’yo na nadulas ako, pwes mali kayo.  Hindi ako nadulas.  Nangamoy darak lang ako.

Matagumpay naming nailabas ang bigas at ilan pang mga sangkap na kailangan ng aking classmate sa kanyang cooking contest, mainly Ajinomoto yata.  Pero ang aking paa ay basa at malagkit.  Ang amoy ni Babe, dumikit sa manggas ng t-shirt ko.  Gusto kong umuwi at maligo.  Gusto kong mag-swimming. 

Buong araw na iyon, hindi ko lubos maisip kung paano nabubuhay ang aking H.E.L.E. teacher sa kanyang bahay.  Paano kaya sila nakakain?  Nakakatulog kaya sila ng mahimbing pag gabi?  Kasi kung ako yung may ari ng baboy na ‘yun, nilitson ko na.

As for my classmate na lumaban sa contest, naka-second place yata s’ya.  Pero kung ako ‘yung judge, at alam ko kung saan nanggaling yung mga sangkap n’ya, disqualified s’ya, for sure.  Pero secret na lang namin yun ni Ma’am.  Ang mahalaga nag-place kami sa kusina cook-off. 

Ang sama nito, hindi ko nabili ‘yung kending sugar-coated at may iba-ibang kulay, na kahit magakandasugat -sugat ang aking ngalangala, masarap pa din. One word, Shet.  At least alam ko na ibig sabihin n’yan. 



Comments

Popular Posts