Various Artists
Various Artists
photo credit: https://www.pinterest.com/pin/280067670561876256/
Sumali ako ng Boy Scouts nung grade four ako. Well, wala naman kasing choice kundi sumali dahil ang buong klase nun ay required mag boy scout (or girl scout) kasi ang adviser namin ang nag-iisang scouting master ng eskwelahan.
Pero sa opinyon ko, yung Scouting namin ay isang malaking joke. Kasi hindi naman kami nag-investure. Na-realize ko lang ‘to nung dumaan na sa grade four ang dalawang mas bata kong kapatid- mayroon na silang enggrandeng seremonya kung saan may “rite of passage” ang mga boy and girl scouts para sila maging legit. In fact, may sponsor pa nga sila. Pero sa mata ng mga kapatid ko, ang ibig sabihin ng sponsor ay ninong or ninang-na pwedeng pamaskuhan tuwing sasapit ang Christmas, na s’ya naman nilang ginawa every year hanggang sa na-realize ng mga sponsors na matatnda na sila para mamasko.
Yung Scouting namin, nagaganap lang tuwing Byernes. Para sa akin, exciting ang araw na ‘yun kasi para s’yang talent showcase ng bawat grupo, or what we call at that time, Patrol. May limang patrol, dalawang boy’s patrol at tatlong girl’s patrol. Ang boys patrol ay binubuo ng Lion Patrol at Eagle Patrol, kung saan ako ay miyembro. Tapos, ang girl’s patrol naman ay (kung di ako nagkakamali) Masunurin, Masikap at Maganda Patrols (well di ako sigurado dito sa last, dinaan ko na lang sa joke).
Nung nagpipilian na ng members para sa Patrol, gusto ko talagang mapabilang sa Eagle kasi ang leader ng grupo ay best friend ko, si Pepe (not his real name). Pero medyo na-heart broken ako nung hindi n’ya ako piniling assistant leader. Pinili n’ya ang isang kaklase ko na hindi naman s’ya ganun ka-close. Ang dahilan- marunong itong sumayaw. Kasi ang pag-aassign ng members ay in alphabetical order at ang pinili n’yang classmate ko ay may last name na nagsisimula sa Y, so malamang mapupunta s’ya sa kabilang group kung hindi s’ya pipiliin ni Pepe. Magaling ang strategy ni best friend kasi di s’ya magaling sa sayawan. Pero buti na lang, nasama ako sa Eagle Patrol since ang last name ko ay nagsisimula sa M. Nakita ko sa mukha ni Pepe kung pano s’ya nag-worry na baka hindi ako makasama sa group n’ya. Pero buti na lang umabot ako sa cut-off ng listahan kundi, hindi ko s'ya kakausapin ng mga one week. Short term lang naman, tapos bati na kami uli, for sure.
Ang scouting ay every Friday. Kadalasan, pag hapon na, wala na kaming activities kundi scouting-related. Pero hindi ito about surviving the wild, o learning the tricks of the everyday trade. Kumakanta kami. At nagye-yell- which is parang nag chi-cheer ng kung ano-anong phrases na kung minsan, hindi ko alam ang ibig sabihin. Minsan nga nag woworry ako na baka tinatawag na namin si Satanas ng di namin nalalaman- example ng yell: Konkiskis karabis karabis ka kompaytiya kompayta. Wag n’yong tanungin sa akin kung ano ibig sabihin n’yan kasi kahit ako, di ko din alam. Pinamemorize lang sa amin ng aming adviser yan, na feeling ko pati s’ya ay di alam ang ibig sabihin.
Minsan maglalaro kami sa field in our full scouting gear: open the basket, London Bridge is falling down, Moro-Moro, pero otherwise iyon na ang pinaka physical activity na gagawin namin na related sa naturang event.
Pero ang highlight ng Friday namin, as I’ve said, ay ang presentation ng assigned patrol, na for me, ang Talent Show ng bawat group. Kumbaga sa That’s Entertainment- ito yung Saturday edition na gagawin ang lahat para matalbugan ang bawat isa-patayan kung patayan. Ang goal: maging stand out ang presentation from the other group na nagpakitang gilas nung nakaraang lingo. Every Friday, isang group ang magpeperform. Kakanta, magye-yell at ang grand finale- isang dula-dulaan na may “moral lesson” sa ending at ang walang kamatayang sayawan to the tune of-kung alin ang number one sa Top 40 ng linggong yun.
Hindi ko maalala kung ano ang mga sinayaw namin kahit master choreographer yung assistant leader namin. You would think, maaalala ko lahat ng ‘to kasi nga magaling ang tactic ni Pepe sa pagbuo ng patrol- pero hindi kasi nag stand out sa dancing ang aming patrol. Sa dula-dulaan kami humataw. Ang nakakatawa, since all boys ang grupo, walang mother figure or any female characters sa mga kwento namin. Kahit sa side ng mga girls, wala silang character na lalaki. And we made it all work out.
As far as dancing, more on spectator ako. Di ako magaling sumayaw. Hanga ako sa mga girls kasi everytime matatapat na girls ang magpe-perform, may mga bagong dance hits na sikat sa TV o sa radyo. For example, Swiss Boy or Don’t Cry. Classic ang dalawang ‘to kasi di ko malilimutan ang sigawan ng audience- kaming magkakalase, pati na mga usisero at usisera na nanood sa labas ng classroom namin. Screams of joy and excitement.
Ang track ng sayawan ay galling sa isang mix tape- na kung tawagin namin at that time ay Various Artists- collection ng hits na hindi kinanta ng original singers kundi cover ng mga amateurs. Tunog orig, but we can hardly tell the difference. Sa pandinig namin, mukha pa ding authentic.
Madami kaming Various Artists na album. Kasi ‘yung kapatid kong babae, nag scouting din at mahilig sumayaw. Swerte s’ya kasi nakaindak s’ya sa tune of Shake Body Dancer, Lost in Emotion ni Lisa Lisa, Supersonic, at kung ano-ano pa. Popular kid kasi sister ko kasi valedictorian ng klase kaya laging nasasama sa mga prestigious dance presentations. Nung kinder ako, gusto kong mapabilang sa grupo ng sumayaw ng Buttercup or Just Got Lucky (na kinabibilangan ng mga popular kids at mga magagaling gumiling, kabilang na si Pepe at ang assistant leader namin) kaso ina-assign ako sa Carinosa-isang folk dance. The heck! Siguro it ay dahil sa ako ay kayumangging kaligatan kaya dinala ako sa folk dance. Laki na lang ng pasasalamat ko at di ako naisama sa Maglalatik, kasi ayokong mag-topless sa harap ng mga tao. Never akong nagsayaw ng modern dance sa malakihang presentation. Pero yung Carinosa dinala ko hanggang grade 6 yata. Dun ko na -realize na favorite ako ng teacher ko na maging representation ng isang Pinoy.
Iniisip ko tuloy ngayon kung ano nangyari sa mga cassette tapes namin ng Various Artists kasi nung huling uwi ko sa Pilipinas, may nakita pa akong naligaw na mangilan-ngilan, pero wala ng Various Artists collection dun. Pero mukhang hindi na maipe-play yun ngayon kasi parang di na uso ang mga cassette players.
Haay, those were the days. Ang saya ng buhay nung bata pa ako. Konti lang ang worries and concern. Ang tanging concern ko lang nung grade 4 ako ay ang makasama ako sa Eagle Patrol. At mababaw lang ang kaligayahan namin kahit madalas kaming mag temper tantrums. Masaya na kaming makapanood ng gumigiling na mga classmates to the tune of Name Game ni Laura Branigan pero kinanta ng isang amateur singer. Okay lang sa amin kahit hindi orig, hindi naman halata.
May 1, 2020



The time when you didn't get chosen as a assistant patrol leader was heart breaking, even for a kid. We don't forget those times because I think, it prepares us for the reality as an adult that we don't always get what we want, but we understand that maybe there's a reason behind it.
ReplyDeleteOk naman kami Tich, after that. Friends pa din kami today. Hindi lang ako sure, after nya mabasa ito. LOL.
DeleteOMG! I remember those blank cassette tapes na dadalhin namin ng pinsan ko sa Rock Shoppe sa Orani para pa-recordan ng mga songs na gusto namin. Favorite namin nun yung Milli Vanilli at si Paula Abdul.
ReplyDeleteI remember nung gradeschool may group kami sa klase. Lagi kami nagpe-perform tuwing may school program. Sinayaw namin yung Swiss Boy, Don't Cry, Body Dancer, Like an Earthquake, The Twist (sinayaw namin sa Girl Scout/Boy Scout camp night not exactly sure kung ano tawag), I don't wanna lose you, at marami pang iba. Yung ate ni Don Casey M (Karen) lagi nagtuturo sa min ng steps. Kasama kasi sha sa grupo namin at yung pinsan nya si Cecil M. Ang saya! :)
Nagparecord din ako dun! hahahaha
DeleteAng masasabi ko lang sa scout master ninyo... "Chitam chikititamtam chikititamtam getumbam beney...".
ReplyDeletePinipigil kong humalakhak ng malakas kasi pademure kunwari. Pero deep inside, naalala ko din kung paano kami sumayaw to the tune of "Esta si... Esta No...", suspiciously thinking if we were singing to a drug- related song.
The hiyawan was part of the presentations, knowing that the groups that got the most cheer had the best choreograph. I was part of the IT group in Grade school but for the life of me, my feet and arms could not coordinate the way my friends (who went through formal Jazz dancing lessons) wanted them too. They painstakingly taught me how to follow the sequence of steps para our barkada could perform together.
Oh and Carinosa was something i loved to dance to. I even practiced the steps at home. You (and your height) would have been a hit at my all-girls school! Ahahhaa good times!