Typical 2
photo credit: http://lilovestories.blogspot.com/2010/09/baga-angid-bsn-muchuud.html
Writer's note: This is the second part to a story that I originally wrote ten years ago in my Multiply account. Please read the first part from this link (please copy and paste):
https://thenewadventuresofanoldtsinelas.blogspot.com/2020/06/photo-credit-httplilovestories.html?showComment=1593047921106#c7806225060810047074
Again it comes with a warning that this is ultra cheesy. If you want to add more cheese into it, play the You Tube link below on a loop (copy and paste) para mas feel
https://www.youtube.com/watch?v=VgbRP_zDLJs
Thank you for reading my crazy stories.
Typical 2
Posted by Mac on Feb 8, '09 10:09 AM for everyone
Simple lang ba ang problema ko? Siguro kung iisipin ng isang tao na wala sa aking kalagayan, simpleng simple lang s'ya. Isa lang naman ang kasagutan sa mga ito e: ang sabihin ko ang lahat kay Jane para matapos na. Para wala ng complications at hindi ko na pahirapan ang sarili ko.
Pero parang hindi ganun kadali 'yun para sa akin. Hindi ako madaldal na tao. Ako 'yung engineer na magaling sa English. Ako 'yung taong hindi mahusay sa recitation sa klase kaya idinadaan sa sulat ang lahat ng sakit, pag-ibig, takot, lahat ng aking nararamdaman.
Ayokong mawala si Jane sa buhay ko. Kahit maiwan lang ang pagkakaibigan namin, kahit hindi na n'ya ako ibigin pabalik basta nasa tabi ko lang siya. Kasi baka pag pinagtapat ko na ang lahat, mailang siya sa akin, sa aming pagkakaibigan, bigla siyang lumayo kasi hindi na niya alam kung paano ako haharapin dahil alam n'ya na hindi na dati ang tingin ko sa kanya. Alam n'ya na kung sakaling hindi man n'ya ako mahalin, sinasaktan n'ya ako tuwing magkasama kami. Kahit wala siyang ginagawa, kahit hindi n'ya sinasadya. Kaya pinili kong itago ang lahat sa kanya.
Alam n'ya na nagbabago ako araw-araw, nagbabago ang aming samahan, kahit anung gawin ko, nabibitawan ko na siya.
Duon siya lalong napalapit kay Dennis. Ako naman, gabi-gabi, nagdadasal para sa kanya. Minsan magigising na lang ako na umiiyak kasi mahal na mahal ko siya pero hindi ko maipakita. Kasi alam ko malapit ng dumating ang panahon na magiging sila na ni Dennis.
Isang araw, biglang dumating si Jane sa dorm. Sabi ng room mate ko may bisita daw akong chick na maganda. Akala ko si Mae, 'yung palihim kong ginamit para kalimutan ang aking best friend. Pero nagulat ako ng makita ko na nakupo sa may sofa sa lobby si Jane. Naka bestida ito, may kaunting make-up, at nakangiti sa akin.
"Happy Valentine's Day bro.", sabi n'ya.
Nagulat ako. Sa lahat naman ng araw, Jane, bakit ngayon ka pa manggugulat sa akin?
E ilang linggo ko ng binabaon sa limot ang araw na ito, na sana wag na itong dumating, tapos 'yung taong dahilan ng lahat kung bakit ako nagkakaganito ay biglang lilitaw at magpapa-alala sa akin na ako ay bitter at mag-isa ngayong Valentine's, ang araw na kinatatakutan ko.
"O bakit?", sabi ko.
"Ayaw mo? Na miss lang kita e. Hehehe."
"Hindi ka pupunta at magpapakita sa akin ng ganyan ang bihis mo ng walang dahilan dahil alam mong lalaitin kita", nakangiti ako nito. Ang ganda n'ya kasi.
"May sasabihin sana ako e."
Naupo ako sa tabi n'ya. "Go."
"Kami na ni Dennis."
Tiningnan n'ya lang ako. Naghihintay ng sagot.
Tapos nun, nabingi na ako. Nakatingin din ako sa kanya. Nakangiti.
Hindi ko na makuha lahat ng sinasabi n'ya pagkatapos. Puro salita lang.
“Kanina….park….sine….bracelet…..kiss”.
Lahat mga salita lang. Ako, sinasabi ko lang sa kanya habang pinipisil ko ang kamay n'ya, "Bro, I am so proud of you!" Paulit ulit 'yun, habang kinukwentuhan n'ya ako.
Pero ang loob ko parang ginugupo ng apoy. Gusto kong matunaw sa harap n'ya at umiyak. Pero nakangiti pa din ako. Alam ko na nangingilid na ang luha ko.
"Okay lang ba bro?" Kitang-kita ko ang concern sa mukha n'ya. "Okay lang sa 'yo?"
"Oo naman! Bakit mo kailangan ng approval ko?", sabi ko, while fighting the tears back. "Masaya lang ako kasi sa wakas, napatunayan ko na hindi ka lalaki!"
Pero biglang tumulo 'yung putanginang luha ko. "Tears of joy!"
Niyakap n'ya ako. "Shet bro, sana pagdating ng panahon, sana makita mo din 'yung sa 'yo."
Ibinulong ko sa sarili ko, "Nakita ko na e. Ikaw. Pero hindi mo ko nakikita." At hindi ko din kayang mabigkas.
"Bro" paulit-ulit din n'yang sinasabi habang niyayakap ako.
Bakit mo ba ako tinatawag na Bro? For bro-ken heart ba? Mula ng mga bata tayo, madamot ka na. Hindi ka namigay ng cornik. Lagi mo akong binabatukan at sinasaktan. Pero bakit ngayong may isip na tayo, ganun pa din ang ginagawa mo? Bakit lagi mo akong sinasaktan? Hindi mo ba ko nakikitang namamatay sa harap mo? Para mabuhay lang muli at muli mong patayin? Mag-share ka naman ng cornik kahit minsan.
Bagama't kilala ko na si Dennis, pinakilala pa din n'ya ako. Para pormal daw, kung best friend ko s’ya, dapat best friend ko din ang boyfriend n'ya. Akong si martir, payag naman. Nagsimba muna kami tulad ng dati. Sa St. Jude.
Dati-rati, ang paborito kong part ng misa ay ‘yung Ama Namin kasi dun ko lang pwedeng hawakan ang kamay ni Jane ng mas mahaba at ng mas matagal. Gusto ko sanang ipitin ang kanyang daliri sa pagitan ng aking mga daliri pero masyado ng obvious. Ngayon, bagama't magkahawak kami ng kamay, nasa kabila n'ya si Dennis, at alam ko na mas mahigpit ang hawak n'ya duon. Nung communion, duon ako sumimple ng iyak, habang naglalakad papunta sa altar. Hindi ko na nga alam ang dadasalain ko: kung 'yung kaligayahan ni Jane o 'yung kaligayahan ko.
Ganito lagi. Iiwasan ko siya. Siya naman ang lalapit. Pag nag-aaway sila ni Dennis, s'ya unang tatakbo sa akin. Si Dennis naman, hihingi din ng tulong. Suicide ang tawag dito. Katangahan.
Pero ang mga bagay pala na itinatago ng matagal, nabubulok din. Ang kahon, kapag pinupuno ng sakit, napupuno din. Dumating ang panahon na kailangan ko ng ilabas ang lahat ng sakit sa kahon. Dahil hindi ko na kaya ang masaktan pa ng lubusan. Handa na akong mawala siya sa buhay ko kung sakaling malaman nya na mahal ko s'ya…matagal na. Handa akong mawala siya bilang kaibigan kung hindi n'ya ako kayang mahalin pabalik. Handa akong manira ng relasyon. Basta mailabas ko lang ito. This time ako naman ang kakabig. Kahit minsan lang. At least, mamamaty akong nalaman ko kung ano ang nangyari, kesa sa wala akong ginawa.
Three years after maging sila ni Dennis, Valentine's day din nun.
Nagpagupit ako. Bumili ako ng Ipod shuffle (dahil hindi naman ganun kalaki ang sweldo ko para bilhan sya ng magarang Ipod nano), at pinuno ko ng mga kanta. Ni David Pomeranz, ng kantang If I Am ng Nine Days, mga Jim Brickman songs,'yung paborito n'yang tula ni Pablo Neruda, 'yung kinaiinisan n'yang Dayang-dayang, at 'yung Wanabee. Ako lang ang nakakaalam ng mga yun. Hindi alam ni Dennis 'yun.
Pinuntahan ko siya sa apartment n'ya. Nakabihis ako nun, pormal.
"O bro, saan ang binyag?" ang hirit n'ya agad sa akin.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Uy serious."
Di ako kumibo.
Alam n'ya na uli seryoso ako. Naupo siya sa tabi ko. Tapos inabot ko 'yung regalo ko na nakabalot ng paper bag dahil hindi ako marunong mag-gift wrap.
"Happy Valentine."
"Hindi naman tayo nagreregaluhan pag ganito, a."
Tapos inabutan ko s'ya ng sulat. "Basahin mo."
"Akala ko ba mag-uusap tayo?"
"Ngayon na." Nag-uutos na ako nito. Wala syang nagawa. Alam n'ya kasi na hindi ako magaling sa recitation kaya dinaan ko sa sulat.
Naginginig ako buong minuto na nagbabasa sya. Inaabangan ang reaction n'ya. Hindi sya tumitingin sa akin. Pagkatapos bigla n'yang binaba 'yung papel.
Nakita kong napaiyak s'ya pero bigla s'yang sumimpleng pumunas.
Hinampas n'ya sa akin 'yung papel. "Nakakinis ka. Bakit mo ko ginaganito?"
"Sorry. Pero I love you, Jane."
Umiyak s'ya. Hinawakan ko ang kamay n'ya, hindi naman n'ya tingaggal. Tumulo na din ang luha ko.
Niyakap ko siya. Tinawag ko na siya sa pangalan n'ya. Jane. Ang pangalan na paulit-ulit kong binibigkas araw-araw, habang nakatingin ako sa kawalan, habang nakikinig ako ng love songs sa cellphone ko, habang pumapatay ng oras sa mahabang commute pauwi ng bahay, tuwing nakatitig lang ako sa librong binabasa ko ng maraming beses, tuwing nagdadasal ako, habang nakikinig kay Joe D’ Mango, kung wala ako magawa. Jane. Hindi na Bro.
"Carlo." For the first time, narinig ko 'yung pangalan ko sa bibig n'ya. Umiyak kaming dalawa.



bitter sweet love story.. the plot is so engaging and unpredictable, can't wait to see the ending.
ReplyDeleteActually, I am leaving at that. I will let you decide what will happen to them.
Deleteshet bro.....
ReplyDeleteshet si…..
Deletepara kong bumalik sa pagka-teenager habang binabasa ko itoh! panalo ang ending. laveeet!!!
ReplyDeleteSalamat Rio! Sana hindi s'ya corny.
Delete