Guerrera






Nag-umpisa ang lahat sa kantang Lover’s Moon.  Hindi ko alam ang mga eksaktong pagyayari pero nung grade 6 kami, ‘yung isa kong kaklase ay biglang kinanta ang ballad na ito (na kadalasan mo lang naririning sa mga AM radio stations pag tanghali habang nagpapatulog ng alagang bata or sa FM station na usually may catchphrase na “Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?”).  Samantala, ‘yung isa ko namang kaklase na nakarinig ng nasabing kanta, biglang nag-react.  Nakainom yata s’ya ng hypersensitivity pill ng umagang ‘yun kasi akala n’ya, may pinatatamaan ang aking kaklaseng kumakanta at directed sa kanya ang song.  Hindi ko naman maisip kung bakit offensive ang kantang Lover’s Moon at masyado s’yang na-trigger.  Pero dun nag-umpisa ang fight of the century sa Mababang Paaralan ng Hermosa. 

Gusto ko lang ipaalala na nangyari ang lahat ng ito mga 30 years ago so I am working on a jaded memory, some details may have been mixed up and may not be as accurate as a randomized controlled trial. 

Tatlo ang sangkot sa world war na ito, to which I would attest to its epic proprotioness, kasi bukod sa rematch at multiple venues, may manager at promoter pa (and I’ll get to that later).
 
Disclaimer: ang mga pangalan ng mga nasangkot ay ibabase ko sa kung ano ang nickname na ibinigay sa kanila nung Grade 6 kami.   Kasi medyo related dun ang kwento.  I am not saying that the names are right and true, in fact they are downright mean.  Kung dumaan ka sa pagkabata, ang name-calling at pang-aasar na sagad sa buto ay masakit, pero sometimes a necessary rite of passage.  Their names are flat-out cruel.  I do not condone this at all now that I know better.  For the sake of story-telling, we will leave it at that. 

On one corner: Si Kalembang at si Butiking Pasay.
Kalembang ang tawag sa kaklase kong may mahabang buhok who unintentionaly started the figh: ‘yung kumanta ng Lover’s Moon.  Ang length ng kanyang buhok ay tipong pwedeng sakyan ni Quasimodo- perfect fit for pulling-para patunugin ang kampana. 
Butiking Pasay naman ang kanyang ka-kosa for obvious reasons- she was thin as a reed and looked lanky and frail, but her insides were made of fire and some form of hidden agrression pent up since her past life because she was always in fight mode-hindi pa-aapi.  Inisip ko nga na baka kalabitin mo lang s’ya, ang ibabalik n’ya sa ‘yo ay isang high-kick. 
(I think, at one point, I was also called Butiking Pasay kasi payatot din ako.  But this not about me, so let’s proceed).  May soundtrack ang name n’ya and I bet you know this already- just say the words Butiking Pasay repeatedly to the tune of The Lone Ranger- I’m sure kinanta n’yo. 

And on another corner: si Frosty, all by herself.  She got her name from liking the Iced candy na fruit-flavored- Frosty.  I think dun nga nag-umpisa ang pangalan n’ya.  And dahil nga Frosty- nag evolve ito into Prosti, which I would like to repeat, not a very nice term.  But as kids, we did not know better.  Ang perception namin nun ng prosti ay kung ano ang napapanood namin sa TV at movie- girls in mini-skirt with black stockings smoking Philip Morris.  However, she embraced her monicker and did not bother arguing that it was not a good fit for her. 

Side note: may mga kaklase pa kami na mayroong iba’t-ibang aliases, from Shabu (spelled as Zsabu), Bulldozer, to Kapre.  All these are girl’s nicknames alone.  Pano pa sa mga boys?  At one point nga, we called each other with our own mother’s name.  The more provincial and baroque, the more cruel the joke.  Fun fact: one of the above actually became a nun- hulaan nyo na lang kung sino. 

Anyway.  I think, favorite song ni Kalembang ang kantang Lover’s Moon.  Isinulat pa n’ya ito sa isang maliit na poster board with fancy calligraphy, nilagyan ng drawing ng sillhouette ng isang babae at lalaki against an ocean with a half-moon in the sky.  Tapos binalutan ng plastic at dinikit n’ya sa desk n’ya. 
She sang the song loudly, to which, Frosty reacted violently.  Prior to this, may slight misunderstanding na yata sila, which I do not know the reason for.  The involvement of Butiking Pasay was totally unknown to me.  Sa palagay ko, nagkampihan lang sila for the sole reason na sabay sila sa Tricycle service pag pumapasok sa school. 

Nagkasagutan yata si Kalembang at Frosty.  Walang physcial altercation pero ginamitan ng madadramang linya na natutunan nila sa Yagit or sa Aguila or kay Anna Luna.  In turn, nagkayayaan, este nagkahamunan sa isang mano-a-mano. 
Dito na na-involve si Marlon, not his real name, hindi ko na kasi matandaan ang monicker n’ya nung elementary kami pero kilala s’ya sa kanyang cursing skills.  Yung period n’ya sa bawat sentence ay isang malutong na p****i**!
Nakakita kasi si Marlon ng potential enterntainment showcase sa away ng tatlo.  So ikinasa ang unang bakabakan sa likod ng classroom ni Mrs. Tree.  

Ang first venue ay isang maliit na space na may tanim na mga ornamental plants, na namamatay tuwing summer break kasi walang nagdidilig at nag-“gagambol” (that is a super Tagalog word that I do not use everyday).  Sa liit ng space, halos bakod na ang katabi ng classroom. 
At dahil nga big event ang away, nagulat na lang ako kasi hindi lang mga classmates ko ang nanood.  May mga ibang “pupils” din from other section and grade na nakakumpol sa lugar.  May mga naka-access lang sa balcony a.k.a. general admission kasi nakapwesto sila sa ibabaw ng pader habang tuwang tuwa sa pagchi-cheer. 
Umabot sa kalmutan, hilahan ng damit at sabunutan ang away na ito.  At dahil nga mahaba ang buhok ni Kalembang, lugi s’ya sa sabunutan department. 
Walang pumigil sa away.  Mas madami pa ngang nag-encourage at nag -provoke sa kanila na saktan ang isa’t-isa.  Di ko maitindihan ang psyche namin as kids nung time na ‘yun  kasi parang mga war freak kami.  Pagkatapos ng anumang laro namin, siguradong may pikunan, awayan, at kabugan sa likod.  So ang away ng tatlong girls ay parang slight standrad deviation lang from our normal school life.  Para ngang walang na-bully sa amin kasi lahat kami nang-aaway. 

Dumating sa point na nabitawan ang very famous quote sa labanang iyon. 

Butiking Pasay:  Hostess! Hostess! (mocking Frosty and her nickname)
Frosty:   Weno naman kung hostess?! At least sa bar may kita, sa kisame wala!
Palakpakan ang audience. 
Ako, napa-standing ovation. 

Hindi ko maalala kung paano na-resolve ang session na ‘yun.  May lookout yata sa di kalayuan at na-detect na pabalik na ng classroom si Mrs. Tree. 
Si Marlon hindi satisfied kasi gusto n’ya ng magandang closure.  Maybe he was waiting for a TKO or a big dramatic line worthy of an award. 
Sa mga sumunod na araw, damang-dama namin ang tensyon sa klase, pero na-control naman ng mga girls ang urge nilang magsabunutan, kahit may mga sharp glances sila sa isa’t-sa na tipong parang slow motion kung nasa TV lang sila at ‘yung mga glances din na tipong malulusaw ka in less than one minute kung birthday candle ka lang. 

Marlon silently arranged for the rematch.  Based on my memory, he might have provoked the ire of each.  Pero di ako sure kung may finavor s’ya between the opponents.  But I am sure that he was willing to bet his life for another round. 

The next venue: sa likod ng Canteen. 
Mas malaki, mas maluwag, madaming seating capacity, at mas madaming ornamental plants na pwedeng bunutin at ihagis nila sa isa’t-isa.  Ang nakakatawa dito, may space sa gitna na parang stage- elevated from the ground, kasi ‘yun yata ‘yung posonegro. 
Sa second round, walang nanalo.  Wala din yatang memorable lines na nabitawan kasi wala akong maalala.  Either that or late kaming dumating sa rematch. 
Medyo na disappoint ang crowd, lalo na si Marlon kasi less eventful na ang giyerahan.  However, may isa akong kaklase na nag-threaten na isusumbong sila sa aming adviser kung magkakaroon ng trilogy ang saga.  Sinabi n’ya ito in front of Marlon’s face.  (Well at least, someone stepped up to intervene and did not condone our violence.  The downside for him was being branded as “chu-chu” or sip-sip).  To which, Marlon got very irked and spewed nasty expletives at him all the way into class dismissal.  Di n’ya matanggap na walang appropriate ending ang fight.  Kailangan may ma-reveal na ampon, or may magbalik na memory or may ma-retrieve na diary.  Or at least may maiwan na marka ng kalmot sa sinuman sa kanila.

I think after that Likod-ng-Canteen incident, nag-fizzle out na ang interest sa away ng tatlo.  Pero ang legacy na iniwan ng away na ‘yun ay ang tagline na: “Kita tayo sa likod ng canteen” as a form of invitation to an armed duel.  Doon, apparently nase-settle ang score sa mga warring factions because of a sizebale audience and a stage worthy of a good production which happened to be on top of shits- literally.  It eventually became into a joke that faded into our memories. 

Eventually, the three girls became friends.  Ganun naman talaga ang away ng mga bata, uumpisahan sa isang soundtrack, may magre-review na pangit ang kanta or ang delivery ng song, tapos mauuwi sa sagutan with a Sharon Cuneta caliber of a dialogue. Minsan it may end into a sabunutan or suntukan spectacle, pero at the end of the day, bati na kayo uli.  Sabay uli kayo sa tricycle service pauwi ng bahay after school. 
If only as adults, we stay the same.  Kahit may differences in opinions, pag dismissal na, sana we still remain as friends.  Kaso nga lang, as history has proven itself, memory fades. Fortunately, the memorable ones really stay.  Like this story. 

In the meantime, hayaan n’yo muna akong mahiga at mag-relax so I can enjoy my afternoon nap, habang tumutugtog ang Lover’s Moon sa background.    



July 4, 2020

Comments

Popular Posts