Blika ng Pilip
Disclaimer: The story I am about to tell you happened 25 years ago. The jokes then may not be as appropriate now so the story is not what you can call very politically-correct. My intent is not to make fun of any disability or shortcomings. I just want to tell a story and reminisce the past; maybe, and hopefully learn something from it.
Agosto ang buwan ng Wika. Sa mga batang 80’s at 90’s, big deal ang celebration na ito, partikular na ang Linggo ng Wika na kadalasan ay papatak sa birthday ni Manuel Quezon. Usually, ang celebration ay magku-culminate sa isang bonggang production number ng Sayaw sa Bangko o ng walang kamatayang Carinyosa, with matching costumes na pinatahi pa sa designated seamstress ng school. At dahil bongga din ang budget, dapat sulitin ang costume. Kaya kung sino man ang members ng Folk Dance Troupe, sasayawin nila ang naturang dance number sa lahat ng okasyon (graduation, recognition day, Division Office visits, ‘yung next year’s Linggo ng Wika celebrations, binyagan, mass wedding, oplan tuli program, at kung anu-ano pa) hanggang hindi na kasya yung costume sa mga dancers or hanggang sa magsawa na ang mga tao sa pag indayog ng mga chikiting na kulang na lang mamemorize na ng audience ang steps- kung alin man ang mauna sa kanila.
Pero ang
hindi ko malilimutang Linggo ng Wika performance ay ‘yung ginawa namin nung 4th
year high school kami. Bilib ako sa
Filipino teacher namin nuon. Kung ang production
na iminount namin ay ikukumpara mo sa movie industry, ‘yung teacher namin ng
Filipino ay si Mother Lily at kami ang kanyang mga Regal Babies.
(Gusto ko
lang i-mention na s’ya din ‘yung teacher namin sa Noli Me Tangere At El
FIlibusterismo na na-ikwento ko na dati).
Anyway,
malaki ang tiwala n’ya sa aming talents.
Ang pagkaka-alam ko, hinand-pick n’ya ang cast ng show. At hindi naman sa pagmamamyabang, ako ang
lead actor. Unfortunately, not for a
good reason. Siguro dahil kamukha ko si
Vic Sotto at mukha akong komedyante.
Payatot kasi ako dati, ‘yung tipong matutumba pag hinipan ng hangin at ako
din ‘yung tipo ng estudyanteng pagsasabihan ng commandant at ng mga officers ng
CAT na baka di ko kayanin ang training kaya mag medic na lang daw ako o
mag-duty sa HQ. Whatevs, nag ROTC ako
nung college at nasa model platoon pa ako.
Eat your heart out. But again, I
digress. And you get the point.
Mabalik
tayo sa show. Ang tunay na star ng
palabas namin ay ang aking sidekick.
‘Yung kaklase kong magaling magpatawa- ‘yung designated class
clown. S’ya naman ‘yung tipo ng tao na
titingnan mo lang, matatawa ka na. At
hindi yan panglalait. Ganun lang s’ya
talaga. Let’s call him William.
‘Yung
role ko kasi ay isang prinsipe. At si William
ang punong ministro. Ang kagandahan ng
aking character, wala akong speaking part, lahat ng gusto kong sabihin, ay
ibubulong ko lang kay William at s’ya na ang magaadlib ng kung anu-anong
nakakatawang speaking lines para maging nakaka-aliw ang show.
Hindi
kami binigyan ng script ng teacher namin.
Kinuwento n’ya lang ang kabuuan ng play at kami na ang bahalang magbuo
ng production.
Sa totoo
lang, di ko na gets ang connection ng kwento namin sa celebration ng Linggo ng
Wika dahil ang setting ng aming kwento ay parang fairy-tale: mga kaharian- may
hari, may reyna at prinsesa, quest for love, at kung anu-ano pa. Walang bahid ng Filipino culture whatsoever-
kahit sa props or costume. ‘Yung costume
ko nga na isinuot nun ay yung makintab na damit ni San Jose na ginagamit namin tuwing
pinuprusisyon yung rebulto kapag kapistahan n’ya- wag sana ako ma excommunicate
for stealing his gown.
Feeling
ko din, hindi din nakuha ng grupo kung paano ire-relate sa Linggo ng Wika ang
aming performance, until later na lang.
Pero we just went with the flow.
Bilib ako
sa tiwala ni Ma’am kasi hinayaan n’ya kami kung ano man ang aming ginawa sa
palabas. She gave us free reign and all
the artistic freedom to explore our talents and our comedic chops. Pinanood n’ya lang ang finished product nung
final practice namin. Hindi na nga s’ya
nag comment, sa pagkakaalala ko, basta natawa na lang s’ya sa mga pinag-gagawa
namin.
Ganito
kasi ang kwento nun. May isang hari na
nasa binggit ng kamatayan at ang unico hijo n’ya ay nakatakdang magmana ng
trono on one condition: he needed to find a princess to be the next queen,
otherwise hindi s’ya magiging tagapagmana.
Ang prinsipe naman, was never known for his speaking voice kasi never s’ya
nagsalita-he only spoke through the
prime minister. The kingdom eventually announced
that the prince was looking for a worthy partner, so a search for the rightful
queen was launched- well more like a pagaent.
So naging
beauty contest ng iba’t ibang kaharian ang kinalabasan. May introduction na ala- Miss Universe (‘yung
parang “I am Blah, blah, blah from the Land of the Not Your Boss-Bosnia!”) at may talent portion din. Magaling ang nabuong cast kasi very talented
ang mga gumanap na potential queens. May
mga sumayaw, kumanta, meron ding ang talent yata ay rumampa lang sa stage-
which I consider na talent kasi naman napahiyaw n’ya mga audience sa lakad n’ya
lang- and in heels pa.
Meron
ding naligaw na parang drag queen played by an unexpected classmate of mine na
naging cause din ng malakas na sigaw at cheer mula sa mga tao kasi hindi talaga
s’ya inasahang magbihis babae. Even us,
na classmates n’ya were surprised that he agreed to do the role. Staunch religious kasi s’ya at nakiki- engage
sa mga debate about religion. Marami
s’yang “coatable coats” from the Bible na minsan iisipin mo, “weh, totoo ba
‘yan?” Pero nung araw na iyon,
kinalimutan n’ya ang kanyang D’yos at pinasaya n’ya kaming lahat.
Ang
prinsipe, walang nagustuhan sa mga
candidates. Sa pagkakalala ko,
pinapugutan n’ya ng ulo ang mga contestants pag di s’ya natuwa.
Pero
syempre, yung last princess ang nagustuhan n’ya. Parang ang talent yata nito ay dancing. Pero ang punchline- ngongo yung
prinsesa. Nagulat ang buong kaharian sa reveal-
pero mas nagulat ang lahat kasi s’ya ang pinili ng prinsipe.
At sa
part na ito, duon ako nagsalita, ang nag-iisang linya na binanggit ko sa buong
palabas: “Ingaw anh angen rehynah”.
Hiyawan ang buong school. Difference
married differences and they lived happily ever after. At kinoronahan ang bagong hari at reyna.
Siguro
for about a month, tinawag akong Mahal na Hari sa buong campus. Kung may eleksyon lang nun at kumandidato
akong president ng student council, malamang nanalo na ako.
Bentang
benta sa lahat ‘yung kwento namin. Sa
sobrang sikat ng aming performance, ni request kami na ipalabas uli ‘yun sa
plaza ng Orani, Bataan for Orani Day.
Bigger stage, brighter lights, louder crowd, at nasa primetime pa. Kaso nga lang, hindi na namin nabuo ang
Original Cast. Hindi na gumanap sa show
namin yung classmate ko na nag drag queen for obvious reasons- for fear that he
might be burned at the stake. Meron ding
shake up sa ilang casts. May ginawa pa
yata kami na parang dating game format, pero medyo grainy na ang recollections
ko.
Tapos mas
ninerbyos kami in front of that big crowd, well at least ako ninerbyos, kasi
there were more lights, and there was a big audience na hindi lang taga school
namin, kundi ‘yung buong bayan, pati na mga dayo from neighboring towns.
But I
think the impact that we had was not as big as we expected it to be, di tulad ng
original production with an all original cast.
Wala ng blessing ni Mother Lily yung remake. ‘Yung Physics teacher na yata namin ang
humalili as adviser sa aming show at sa pagkakalala ko, she mocked the whole
thing. The nurve!
Siguro
dahil wala na ‘yung puso namin sa buong palabas, di na kami ganun ka-committed
and subconsciously, nakita namin yung relevance ng kwento sa event that it was originally
meant for: No one can love us better
except our own kind. Ang Pilipino lang
ang magmamahal sa Pilipinas kasi Pilipino tayo.
The story did not connect to Orani Town Fiesta. Isa lang kaming comedy show with amateur
actors dressed like saints but acted like jesters- a filler for entertaining
the public.
It was
still a hit though for some, kasi for about a month, tinawag ulit akong Mahal
na Hari ng mga taong nakakilala sa akin- ‘yung mga magtataho, mga tindera sa
palengke, at mga batang na-excite sa presence ko. Buti na lang hindi nila ako in-encourage na
magsalita dahil wala naman talaga akong speech impediment. So ngumiti lang ako, tapos binulungan ko yung
katabi ko. Bahala na silang mag-isip
kung sino man sa kanila ang pinapugutan ko ng ulo.
June 10, 2020



Kudos to the scriptwriters & cast. Such a great an original piece!
ReplyDeletefor some reason, hindi ko na to naaalala! pero i'm sure it was super kwela at na-gets ko kung sino si William at yung nag-dress in drag. :D
ReplyDeleteWinner ‘to, mahal na hari.
ReplyDelete“ So ngumiti lang ako, tapos binulungan ko yung katabi ko. Bahala na silang mag-isip kung sino man sa kanila ang pinapugutan ko ng ulo.“
In character pa din. Hahaha.
Anong connect was title?
Hahahaha naaliw naman ako sa kwentong to mahal na hari!!
ReplyDelete