Libing Things
The title is not
an original. I borrowed it from meme (or
maybe a picture) I saw in the internet.
I thought this would be appropriate for this story.
Mababaw lang ang luha
ko, lalo na nung bata ako. Ayoko nung
mga goodbyes, kasi ako ‘yung unang iiyak pag may nagpapaalam- it doesn’t
matter kung ako ang aalis or yung kabilang party. Basta iiyak ako. Madali din akong mahawa ng iyak. Pag may nakita na akong nagdadrama, tutulo na
din ‘yung luha ‘ko. Nung retreat namin
nung grade 6 kami, isa ako sa pinakamalakas humagulgol kasi ginuilt trip kami
nung seminaristang nag-faciliate ng talk.
Ako naman, apektadong masyado. At
dahil sa activity na ‘yun, napag-alaman kung sino talaga sa aming klase ang
guilty sa pagiging suwail na anak. I
think, yung lakas ng iyak ay directly proportinonal kung gaano ka kasama or ka
ka-spoiled brat nung bata. Ginawa lang
excuse ng mga classmates kong malakas ding magsipag-iyak na wala daw puso ang
sinumang di pumatak ang luha kasi guilty nga ang former.
Kaya ‘pag may
namamatay, sa sine man o sa totoong buhay, isa ako sa mga unang maluluha.
Pero I have a secret
confession to make: I find funeral wakes i.e. burol very reaffirming. Hear me out.
I am not celebrating the death of a relative, but I am celebrating how
families bond and get together at funerals.
It actually breaks a very monotonous cycle of life, where you wake up,
go to school or work, eat, then sleep. Pag
may burol, you wake up, do your morning ritual then you suddenly realize
someone died. In a minute, your daily
routine changes.
Minsan nga, mas
nakukumpleto pa ang pamilya sa libing kesa sa annual family reunions. And the best stories come out during these
gatherings, while your Titos or Titas talk about their past lives over a game
of tong-its or over a hot bowl of arroz-caldo with a side of
butong-pakwan.
Madalas, ‘yung mga
differences and family drama, nakakalimutan pag may namamatay. Pansamantalang nagkakaroon ng “Orocan Moment”
sa mga magkakapamilya to pay respects for the dead. At dahil hindi naman kami mga artista,
masasabi mo din na ‘yung mga luhang tumulo sa tabi ng nakahimlay ay malamang
hindi fake. Ang mga taong umiyak have
legit tears.
Fourth year high
school ako ‘nung may major death sa aming pamilya. ‘Yung maternal grand father ko ang sumakabilang-buhay. Dahil juvenile pa ako ‘nun, ‘yung concept ko
ng death at responsibility ay magka-level lang- almost
non-existent. Pero as kids, nalungkot
kami nun ng sobra. Naalala ko, sabay
sabay kaming nag-iyakang magkakapatid nung una naming nakita si Lolo sa kabaong
nya. Tapos, iiyak din ako ng palihim pag
may bagong relative na magpapa-check ng attendance sa kanya by crying in front
of the coffin. Sabi nga sa inyo mababaw lang
ang luha ko. Kaya mula nun, pag alam
kong may darating na relative for the first time, pupunta ako sa kusina para i-distract
ko ang sarili ko at the same time, maiwasan kong mahawa sa pag-iyak.
Nagsi-uwian din ‘nun
‘yung mga Tito at Tita ko na nasa abroad kaya full house ang bahay ng aking Lola. Syempre, kaming magpipinsan at magakakapatid
ay excited. Hindi mo naman kasi maiaalis
ang pasalubong at balik-bayan boxes na automatic na kasabay ng mga forenger
kong relatives. Pag bukas ng kahon, wow,
amoy stateside! (Pero bakit nung
pagdating ko dito sa Amerika, di ko naamoy ‘yun sa sarili ko?)
Dahil close din ako
sa mga kaklase ko, dumating din sila para maki-condolence sa amin pagkatapos ng
aming klase. Naalala ko, March nun. Panahon ng finals a.k.a. 4th and last
periodical test ng taon kaya nasa vacation mode na kaming lahat. Kailangan ko ding i-coordinate sa aking iba
pang mga kapatid ang pagbibigay-pugay ng mga kaklase ko kasi may mga kaklase
din sila na gustong makiramay (at maki-sopas din). Sa probinsya kasi, nung time na ‘yun, di pa
uso yung mga memorial chapels kaya ang burol palaging sa sala ng bahay. Habang lumalaon, dumadami ang attendees
hanggang sa last night, which usually is the most populated and most
entertaining one- mag-spill out na ang crowd into the streets. Usually, ‘yun ang busiest of all nights. Kadalasan, very eventful pa.
Ang bilin sa amin,
huwag iiwan ang kabaong by itself. Kailangan
laging may tao nearby. Which makes sense
naman, the burol itself is not for entertaining the living but paying respects
to the one who departed. Malamang itong
pamahiin na ito lang ang may sense para sa akin. The rest are just plain baloney. For example, may kasambahay kami na medyo Praningger-Z
sa mga bagay-bagay na related sa kasabihan, kamatayan at kamultuhan. Kesyo bawal maligo pag may patay- e ang baho
ko na kaya, so walang nakapigil sa akin nung maligo ako sa poso sa likod ng
bahay.
Bawal din daw
magwalis. Dapat pinupulot lang ang
kalat. Parang imposibleng di ka pwedeng
magwalis, kasi ba naman, sa dami ng butong pakwan at butong kalabasa na na-consume
every night, ang hirap namang damputin ang mga pinagbalatan-piece by piece. So ‘yung tita ko, hindi mapipigilang magwalis
kasi neat freak ‘yun.
Bawal magsuot ng
pula. Kasi kulay daw ‘yun ng pagdiriwang
at pagsasaya. Pero weird, dahil kapag
Byernes Santo, ang kulay na damit ng pari ay kulay pula. I know this because I was once in-chrage of
their vestments. Nagsasaya ba sila sa
pagkamatay ni Christ? I don’t think
so.
Tapos in-ininsist din
ng kasambahay namin na magbasag ng palayok pagkalabas ng kabaong sa bahay sa
araw ng libing ng aming Lolo. To which
tinutulan naman ng mga nakatatanda. Pero
nung dumating ang moment na ‘yun, nagulat kaming lahat ng ibagsak ni Ate Weng
ang palayok sa likod ng kabaong.
Napamura ‘yung iba kasi nga di namin in-expect na gagawin n’ya
‘yun. Di na nagawang magalit nung mga
tito at tita ko kasi mas abala sila sa activity at hand (which is to make sure
the coffin would not bump into any walls or furnitures because it was
apparently another bad luck) kesa pagbuntunan nila ng pansin ang isang petty
superstitious belief na in-execute ni Ate Weng without the approval of the
elders.
Ang dami pa ding
bawal ng pwede kong ilista dito pero hindi ko na lang i-enumerate kasi baka
mabore kayo. I am sure, in one way or
another, may mga versions din ang probinsya n’yo kung ano ang mga do’s and
dont’s sa burulan.
When my Lolo died, I also remembered that my aunt did not want
photos of him while he was laying inside the coffin. Again, this made sense. I would want to remember my loved ones while
they were alive, and not while they were in the casket. Mas powerful ang memories kesa sa
photos. I’d like to remember them that
way- alive, smiling, laughing, living.
Kaya pet peeve ko ‘yung nakakakita sa Facebook ng mga taong nagu-upload
ng pictures ng family nila na nakahimlay sa kabaong. ‘Yung tipong naiihi ka sa gitna ng gabi,
tapos naisipan mong mag-scroll sa FB feed mo, biglang tatambad ang picture ng
isang tao na nakahiga sa kabaong- close up pa, with reflection of the
glass. Ayun, traumatized ka na for life,
and you would remember that face of a dead loved one for the rest of your
waking-middle of the night- life.
Also, aside from
visual memories, may lasting effect din ang sense of touch: kasi pinagmano kami
kay Lolo (at eventually kay Lola) bago sila ibaon sa libingan. Nagulat ako kasi the sensation I felt when I
touched his hand was shock. Unang naisip
ko: why did it feel like rubber? Then I
felt how cold it was. Dun ko na realize
na wala na talaga si Lolo kaya mas lumakas ang iyak ko. I remember a famous expression that was said
by one of our friends, ang naibulalas n’ya daw nung hawakan n’ya ang patay,
“Bakit matigas?”
Speaking of iyak,
naalala ko din yung isa ko pang Lola- grand aunt namin. Unfortunately, ‘yung paborito n’yang
pamangkin ay naunang pumanaw. So ‘nung
sinamahan ko s’ya para dumalaw sa patay, hinanda ko ang sarili ko sa drama fest
n’ya. Medyo dramatic kasi si Lola ko na
ito. Alam na namin ‘yun. Pag umiiyak s’ya, wala namang luhang
pumapatak, puro screams and “coatable coats” lang. Kaya lagi naman s’yang jino-joke. Close kami sa kanya, kaya wag n’yo namang
isipin na we were being disrespectful to her.
Actually, hindi pa
kami bumababa ng tricyle, sumisigaw na s’ya: “Patring!!! Bakit mo naman kami
iniwan?” Ako naman, inaalalayan ko s’ya
dahil medyo uncoordinated na ang movements n’ya. Sabi ko, “La, wala pa. Pwede mamaya ka na lang umiyak pag nandun na tayo
sa may kabaong?”
To which her reply,
“A, sige”. And recollected herself
immediately as if nothing happened.
Tapos, pagdating namin mismo sa harap ng kabaong, sabi ko, “Ayan La,
pwede na.”
“Patring!!!! Bakit mo
naman kami iniwan?”
Hinayaan ko na muna
s’ya magdrama dun just to let her emotions out.
Tapos, nakalma na s’ya kasi dumating na ‘yung lugaw.
May isa din akong
Lola-another grand aunt- who had dementia.
So nung namatay ‘yung maternal grandmother ko na kapatid n’ya (i.e. ng
lola kong may dementia), iiyak s’ya everytime na ire-remind sa kanya na wala na
‘yung kapatid n’ya. Nung nasa burol nga,
after n’yang mahimasmasan at nakaupo na s’ya sa sofa, magtatanong s’ya uli kung
sino namatay. Kaya nagsinungaling na
lang kami para hindi na s’ya ma- heartbroken ng multiple times every time we
would tell the truth. Palagay ko naman,
okay lang magsinungaling sa case na ito.
Malamang kaya mababaw
ang luha ko kasi nagmana ako sa dalawa kong lola na ito. Ang hirap lang minsan, mahirap magkaroon ng mga kaibigan na expert
sa panglalait. Kahit ang mga kaibigan ko
ay mga taong simbahan- either choir, altar servers or cathecists, you would
think, banal kaming lahat. Pero among
all of us only, nakatago ang aming mga sungay at buntot.
Kapag misa na ng
patay, pinakaabangan naming lahat ang huling pamamaalam ng pamilya. Kasi dun, mapag-aalaman kung sino ang
pinakamalakas umiyak or kung sino ang magbibitaw ng pinaka memorable na
dialogue.
Sa actual event,
hahayaan lang ng mga kaibigan ko na makapagdrama ang sinumang taong
involved. Pero a few days later, habang
may inuman session, ida-dramatize at ire-relive nila ang eksena na may kasamang
annotation or side comments, culminating into the distribution of awards. ‘Yung tipong ie-enumerate ‘yung characters ng
libing.
For example: May magsasabi ng...
“Ang mga nominado sa
pinakamahusay na aktor: Tong Macalinao para sa makabagbag damdaming, ‘Aruy,
Tigas’.
Tapos iaabot sa akin
ang bote ng beer bilang trophy para sa napanalunan kong award.
Ang acceptance speech
ko ay combination ng mura at halakhak.
“Mga hayop kayo!”
Unlike sa inuman
however, ang lamay ay laging abundant ang pagkain. Pwede kang mamulutan ng one to sawa, at di ka
huhusgahan kahit ilang beses ka pa kumain, o kahit namumuti na ang labi mo sa
asin ng butong pakwan. Pag kumakain ka
tuloy habang nagre-reminisce ang mga titos and titas, parang ang sarap ng nakahanda
sa hapag, kahit lugaw lang na walang laman. Tapos, yung laughter- very genuine. ‘Yung tears- very precious. Lately nga lang nauso na ang videoke sa
burulan, which is fun (don’t get me wrong), but sometimes I think, it distracts
from the bonding time of families or from honoring the memories of the people
who have moved on. Unless siguro
kakantahin mo ang paboritong songs ni Lolo or Lola or ‘yung soundtrack related
to their lives.
Minsan nga lang, the
louder the laughter, the sadder the tears.
Kaya nga tahimik ako palagi at nag-o-observe lang ako usually kasi alam
ko na mababaw ang luha ko. Pero dahil sa
kahihiyan at sa mga mapang-alipusta kong mga kaibigan, nagawa kong ibaon ang
aking mga luha sa mas malalim na portion ng aking kaluluwa. Kundi, mananalo na naman ako ng Best Actor
award.
October 31, 2020
Happy Halooween!



Comments
Post a Comment