Any Volunteers?
Any
Volunteers?
Nung nag-apply ako sa PGH as a volunteer physical therapist, wala akong vested interest na ma-hire as a full-time staff. Hindi ko nga in-expect na matanggap even as a volunteer. Siguro dahil mababa ang self-esteem ko at lagi ko palagi naiisip na mas madaming tao ang magagaling talaga kaysa sa akin. Madami akong nilu-look up sa field ng aking profession, at feeling ko talaga, wala ako sa posisyon na mapabilang sa staff ng rehab department.
Nag-apply ako na volunteer kasi medyo stagnating na ang buhay ko nun. Two years akong unemployed at wala akong ginawa sa bahay kundi maglinis, kumain, at mamintas ng artista sa TV. Minsan nagvovolunteer din ako sa simbahan sa mga seasonal events- o di ba ironic ang combination-panglalait and church activities?
Anyway, naisip ko ‘yung future ko nun. No offense sa nurses pero ayokong mag-nursing kasi nung panahong ‘yun ito ang usong-uso na course, kumbaga sa 70’s- mga bell bottom pants, at nung 80’s -spray net at shoulder pads. Lahat nagnu-nursing. Karamihan nga second course na nila ‘yun. Natakot ako na kung gumraduate man ako, wala din akong trabaho sa dami ng nursing graduates.
Kung wala akong gagawin in that year, saan ako pupulutin? Feeling ko nagiging pabigat ako sa bahay so I had to do something in my life. At least kung may volunteer experience ako as a PT, pwede ako mag-apply sa mga clinics, or mag home health. Plus, two years of not doing anything, pumurol talaga ang brain cells ko kaya I needed some mental stimulation and some kicking in the butt to jumpstart my career and my life.
So I mounted up all my courage to apply for the volunteer program. Sa sobrang baba ng self esteem ko, hindi ko even inexpect na matawag sa interview, so laking tuwa ko nung tawagan ako ng volunteer coordinator, na tatawagin nating Ma’am Judith sa ngayon (again, not her real name), for an interview.
Sa madaling salita, natanggap ako bilang volunteer PT ng PGH. Sobrang excited ako nun. I really did my best to care for my patients. Kahit ayoko ng pediatrics, na-enjoy ko makipaglaro at mag handle ng mga bata. Kahit complicated ang spinal cord injuires, nakita ko ‘yung rehab potential nila at ‘yung pag-asa na makabalik sila sa community. At kahit hindi ako natutuwa sa burn patients kasi sobrang fragile sila, naantig ako sa mga stories ng buhay nila kaya habang inii-stretch ko sila (na may kasamang matinding pain na hindi naman sinsadya- na parang love lang), i was also cheering for them because I know they will benefit from that temporary pain to get a full range of motion, and eventually integrate them back into society.
Pero I lived my daily life sa PGH, trying to be small and invisible as much as I can. Feeling ko kasi nun, ‘yung staff ay PT gods, tapos kami ay mortal people lang, at nagiging excted ako kapag na-acknowledge ako ng staff. I know, it was a ridiculous mental attitude pero sa tulad ko na walang experience for two years, ignorance was the number one enemy, then fear. Fear of what?... killing a patient. Kasi kahit nung intern pa lang ako, takot na takot ako, kasi baka any moment, mapatay ko ‘yung pasyente.
Naikwento nga ng isang staff a few years later, na hindi daw ako mukhang volunteer at that time. The reason for that was I was almost 6 ft. tall but weighed only 110 pounds, tops. I looked cachectic. So sabi n’ya, akala n’ya pasyente ako. Nagulat na lang daw s’ya na nag-gait training ako sa parallel bars ng isang stroke patient. Baka nga na-confuse s’ya kung sino ang ay may hemiplegia between the two us.
Na-enjoy ko naman ang pagiging volunteer ko sa PGH. Medyo vague na ang memories ko during my volunteer days pero naalala ko na nag-lead kami ng Layman’s Forum sa Outpatient Clinic kasama ang isa pang staff ng PT section. I was on the sideline, pero para akong si Anne Hathaway sa Devil’s Wear Prada kasi medyo kino-coach ko ‘yung staff ala Miranda Priestly ng mga information or probably exercises in layman’s terms habang nagde-demo kami sa audience namin. Sabi nung staff sa akin, that was the moment when she knew I would be one of them. Syempre di nya sinabi ‘yun at that time. Sa akin naman, I was not trying to be smarty pants nor trying to impress her, I was just trying to be helpful. Promise.
Dinaanan ko lahat ng clinics na kasama sa volunteer program. Like what I’ve said, the ever-toxic OPD (Out Patient Department), Cardiac rehab, Pulmo clinic, Pedia clinic, Charity In clini- na parang acute care ang setting, at Rehab. Maganda ang exposure at experience ko as a volunteer.
After 6 weeks (di ako sure kung na-extend kami, pero parang), I felt refreshed. Hindi kami binayaran sa services as a PT but I felt that I gained more than what they got from me. I have learned a lot during my stay there-‘yung tipong hindi mo matutunan sa school. Kasi sa PT world- technique and handling are two of the most important aspects in evaluating and treating a patient. Hindi sapat ang matututuhan sa school kasi duon, para lang kayong nagdudula-dulaan kapag practical exams. Malas mo pa kung ‘yung partner mo sa test ilalaglag ka sa bangko: magpapanggap na masakit ang ultrasound kahit hindi naman, kaya bagsak ako sa exam na ‘yun -true story pero ibang topic na ‘yun.
Bumalik ako ng probinsya namin para mag prepare ng bagong resume at mag-apply sa mga local hospitals. Kasi at least may experience na ako-PGH pa.
A few weeks later, Ma’am Judith called me, well my sister, kasi wala pa akong cellphone nun at ang number n’ya ang ginamit kong contact information. Ayoko ng cellphone nun kasi ayokong gawing antenna ang katawan ko ng unseen electromagnetic waves produced by mobile devices- weird ang aking frame of mind pero ganun ako mag-isip, haha. She called me to inform of a position that will open at the PT section and I was invited for an interview.
Buti na lang hindi n’ya ako nakikita ng mga sandaling ‘yun kasi nagtu-tumbling na ako (kahit hindi ako marunong) habang nag si-silent scream sa harap ng kapatid ko.
Alam n’yo ba ‘yung madalas sabihin ng mga artista sa mga award ceremonies na , “I feel honored to just even be nominated?” Ganun ang naramdaman ko, at ‘yun ay sincere. Masaya na ako na ma-consider to be interviewed for a position kasi parang may nakita sila sa akin na hindi ko nakita sa sarili ko. So pakiramdam ko na-achieve ko na ang goal ko sa buhay. Ang babaw no? Pero ‘yun ang state of heart ko-madali akong paligayahin kasi hindi ako self-confident.
So syempre, dahil dun, hindi ko naman inexpect na matanggap bilang isang staff ng PT section ng PGH. Mababa nga ang standards ko, di ba? At alam ko na hindi ako maha-heartbroken kahit hindi ako ang kunin nila kasi masaya na ako kahit ma-interview lang.
And I knew I bombed the hiring process. Kasi yung doctor na nag-interview sa akin mukhang hindi interesado. Hindi pa tapos yung sagot ko, next question na s’ya agad. E ang sarap pa namang sagutin ng mga tanong n’ya. Akala ko kasi dadaan ako sa oral revalida pero tinanong lang n’ya ako ng mga hobbies ko, favorite movies at books yata at mga practical questions na parang pang beauty contest.
After ng interview, na-meet ko yung mga other applicants din. Karamihan sa kanila, graduate ng UP or madami ng experience sa field. Ang experience ko lang naman at that time ay yung 6 weeks of being a volunteer, and if you consider pamimintas an experience- well versed ako. Kung uso lang ang hastags nun, ginamit ko na yung #alamnathis hashtag. Or pwede din yung #uwianna, kasi literal na sumuko na ako at ready ng umuwi. But really, my heart felt content.
Ang galing ng mga ibang applicants. Ang galing nilang mag-English, lalo na ‘yung isa na med rep yata na nag-volunteer din at one point and UP alumna pa. Sabi n’ya din, she bombed at the interview kasi daw nung tinanong s’ya kung saan s’ya nagwo-work, ang sinagot n’ya ay: “I work at a pharmaceutical....(long beautiful pause here)....pharmacy”. At bigla s’yang tumawa, ‘yung tawang nervous laugh pero sosyal pa din. Ako naman, hindi ako nag pay attention sa content ng sagot n’ya pero na-amaze kasi ako sa pag pronounce n’ya ng pharmaceutical- farmazootical...Kasi kung ako ‘yun- farmashooteekal. Sa isip ko, shet. #Maynanalona.
Again, I did not take into heart what transpired during the interview. I took the bus back to Bataan again feeling satisfied. Sa totoo lang, I was just being myself. Cliche as it may sound but I think that got me the position. I was myself- 6 feet tall and 110 pounds of honesty. Kasi hindi ko inexpect na maging staff so what is there to lose if you show up then show no inhibitions? Just the natural me. I showed them who I was. (Para lang linya sa commercial ng sabon).
After two and half hours of traveling by bus, at habang pumapara dahil malapit na ako sa bahay, nag-ring ang cellphone na hiniram ko sa sister ko. Si Ma’am Judith tumatawag informing me that I got the position and I should go back the next day for a meeting on how to start the process. I did not care if I had to travel again but my heart was bursting with joy and affirmation. I think I wanted to cry but I could not dahil na -stress akong bumaba ng bus.
Kaya minsan nakaka-asar pag may nagtatanong sa akin kung paano ako nakapasok sa PGH. Kasi ang misconception ng tao, pag government agency, nakakapasok ka lang kapag may kilala ka sa loob. Nung may nagtanong sa akin, “sino ang backer mo?” , ang sinagot ko, “sarili ko po.” Weh tototo naman.
I could not believe that I will look back again on how my PGH journey started. Pero sa palagay ko, it did not only start my journey as a PT in PGH but my life as a physical therapist in general- in a hundred year old institution along Taft Avenue, na kahit antique, you cannot deny the fact that it was and will always be made of legends. I am proud to be a part of it, even if it’s just for six insignificant years of its century-long existence. So ang hastag ko ngayon #tatakPGH.
May 17, 2020




Job interviews is nerve wracking! You have a great recall memory ! Happy for you for getting the job in one of the best hospitals in the world.
ReplyDelete