NOLI-mits



Photo Credit:  https://joserizalss014.wordpress.com/category/rizals-life/






Ngayon ko lang na-realize na ang Noli at Fili pala ay classified as Young Adult Novels.  Kaya ko nasabi ‘yan kasi required reading sila sa mga Juniors at Seniors ng non-Catholic High school students as part ng curriculum ng Filipino subject.  Nung tumuntong ako ng high school, na-excite akong basahin ang dalawang nobela ni Jose Rizal, hoping na maiintindihan ko finally ang ibig sabihin nito.  Kasi nung elementary ako, ti-nry ko basahin ang Noli Me Tengere dahil na-curious ako sa scandalous content nito.  May isa kasi akong kaklase nung Grade 6 na obsessed kay Rizal at nabalitaan n’ya ang main storyline ng Noli Me Tangere kaya ibinalita n’ya ang lahat ng mga nangyari sa nobela na parang isang juicy gossip expose- ‘yun tipong nanood ka ng The Buzz for an exclusive interview with Boy Abunda.  Kasi, for young innocent minds like us, the Padre Damaso character is like a gold mine of outrageous rumors worthy of “wag kang maingay, atin-atin lang ‘to” (pero alam na ng buong sambayanan). 

So like what I said, I tried reading Noli Me Tangere on the 6th grade but I did not get what it meant.  Literally and figuratively.  Kasi, napakatatas ng Tagalog na ginamit sa nobela at wala pang patience ang 12 year-old mind ko sa mga bagay na ganun.  Pangalawa, madaming underlying suggestions or symbols ang nobela na malamang hindi ko mage-gets kung sakaling natapos ko itong basahin.  So sinukuan ko s’ya after Kabanata 3.  Wala akong mapapala kundi sakit lang ng ulo. 



Kaya pagdating ko ng high school, specifically 3rd year, wala akong choice kundi pasakitin ko ang ulo ko dahil required sa Filipino na basahin ang Noli.  At buti na lang, it was broken down into chapters per meeting and not the whole book in one discussion, dahil malamang isinugod ang buong IV- Diamond class for internal brain hemorrhage. 



Gusto ko lang linawin na wala akong balak i-book review ang Noli at Fili.  Madami ng gumawa n’yan siguro, at sigurado akong mas extensive ang exposition nila about Rizal’s literary masterpiece.  Gusto ko lang i-share yung experience ko nung high school about mounting an ambitious production of a few chapters of the novel.  Kasi nakakatawa mga kabulastugan namin nung 3rd year kami. 



Pag sinabi mong Noli Me Tangere, sino ang unang character na papasok sa isip mo? Kumbaga the flagship personality, the official mascot of the novel or better yet the star of the show.  I don’t think it’s Crisostomo Ibarra.  Siguro pwedeng maging runner up si Maria Clara at Padre Damaso.  But I think the real star is Sisa.  Kasi yung character n’ya is such a stereotypical soap opera hero well ahead of her time:  Nanay na na-take advantage ng isang pari, ninakawan ng mga anak at nabaliw.  Pang-FAMAS ang role kumbaga.  So I applaud Rizal for trailblazing a character that will pave way for Anna Liza, Anna Luna, Mara Clara, Amor Powers, or Cardo Ang Probinsyano (in fairness, ang dami talagang pinagdaanan ni Cardo, nanganganib ang posisyon ni Sisa). 



Nung dumating na ang araw para i-discuss ang Noli, hindi namin ito dinaan sa dissertation-dinaaan namin sa talent portion.  Naging Dramarama sa Umaga ang style ng pag-explore ng nobela ni Gat Rizal na susundan ng maikling pag-uusap after the dramahan showcase.  Syempre included na d’yan ‘yung mga papuri sa performance ng group nan aka-assign that day. 



Swerte ang grupo namin kasi kami ang pinalad na matapat sa character arc ni Sisa.  Feeling ko,ang bawat grupo ay umaasa na makuha ang part na ito ng nobela pero the literary gods were so kind to us to grant the license to exploit, I mean, to explore the characters. 



Sa unang meeting pa lang ng aming grupo, may isang member na nag-volunteer na sumulat ng script ng Sisa storyline.  Itago natin ‘sya sa pangalang Sharon, kasi mabait s’ya as a person, and isa pa, kumare ko s’ya sa totoong buhay at baka mag solian kami ng kandila pag nabasa n’ya to. 

May theory kami kung bakit nag-volunteer si Sharon na isulat ang Sisa story: kasi gusto n’ya gumanap na Sisa.  Hindi namin mai-assign ang role kasi madami ang nagnanais ng gumanap nito at ayaw naming may ma-hurt kung di mapupunta sa kanila ang role.  So by volunteering to be the scriptwriter, tapos ang usapan (insert: pagpag ng kamay here).  



Kinarir namin ang pagpapractice ng dula-dulaan.  Kahit sa practice yata ay minsan naka-costume kami with matching ambience.  Si Sharon nga guguluhin pa n’ya ang kanyang buhok para ma-imbibe n’ya ang spirit ni Sisa.  Ironic, pero nadadaan talaga sa gulo ng buhok ang characterization sa kanya, alalahanin n’yo lang yung mga declamation contests in the past. 

Naalala ko na madalas kami mag-practice sa bahay namin kasi medyo maluwag ‘yung sala at palaging may meryenda.  ‘Yung unang practice yata namin nagpa-pansit ako. 

In addition to that, pinadilim namin ang environment by shutting all the windows, kasi balak din naming padilimin ang classroom sa actual performance, which we actually did. 



Ang ginawa namin: tinakpan ang ga-pader na mga old-fashioned windows ng aming classroom with old newspapers.  Edi syempre ang init ng ambience- at madilim din, which was the effect we were gunning for.  Ang buong akala namin, madadaan namin sa dilim ang award for best single performance of a group in a closed space.  Ang nakakatawa dito, parang wala namang binanggit sa libro na ang mga pangyayari ay naganap sa dilim.  Palagay ko, mas nairita sa amin ‘yung teacher kasi pina-init lang namin ‘yung menopausal n’yang katawan. 

Ang verdict: wala na lang nag-comment kasi A for effort talaga.  Hanggang duon lang.  Nakita kasi ng aming classmates kung pano kami naghirap magtakip ng bintana, magsuot ng mainit na costume, mag deliver ng mahahabang monolgues kaya pinatawad na lang nila ang mediocre performance.  Well, kung ako ang tatanungin n’yo ngayon kung ano ang aking opinyon: pangit.  ‘Yun lang.  I have to be honest.  Kasi sa mga practice namin, parang mas kumain lang kami kaysa sa nag-emote.  Well, nag-emote kami over the pansit. 



Naalala ko ang role ko dun ay either Don Tiburico De Espadana or Pilosopong Tasyo- because I look the part.  Payat at mukhang komedyante.  Sa totoo lang, in my mind, I have this characterization of both men that was so unusual and worthy of a standing ovation-pero syempre, sa imagination ko lang ‘yun.  Kinain ako ng hiya nung nasa stage na ako.  I felt our performance was starting to crumble so nagpadala na lang ako sa mga debris. 



Pero what was somewhat unexpected, ‘yung isang competitor group ay nagpikatang gilas.  Hindi nila dinaan sa pomp and circumstance ang palabas.  Umarte talaga sila.  Hindi naman nila nakuha ang Sisa storyline, they made use what they had.  And they, for sure delivered.  Napanganga lang ako.  Parang di ko yata kaya ‘yung ginawa nila kasi lalamunin ako ng buhay ng kanilang mga acting prowess- ‘yung aktingan na mabibilib ang isang any high school student audience i.e. malakas na boses, sigawan at the top of your lungs with matching hikbi at pag umiyak, may tulo ng luha ang mata.  ‘Yun kasi ang magpapanalo sa ‘yo sa panel of judges- which in our case, our Filipino teacher.  Judge lang pala, singular. 



I don’t think na may tumatak na malaking lesson ang Noli Me Tangere sa akin nung high school kasi naging obsessed kami na magpa-impress- sa klase at sa teacher namin.  And don’t even start with El Filibusterismo- I was so bored at this I fell asleep in between takes.  Kung may lasting effect man si Rizal sa akin ay dahil nakilala ko s’ya eventually in college, not in a romanticized way, but in as human way as possible- strengths, flaws, intrigues and all. 

Pag dinaan mo kasi minsan sa drama ang mga lesson, madalas nagiging soap opera- either sobrang init at madilim-na nagiging nakakairita na, or minsan susuwertehin ka, na hindi mo man makuha ang gusto mong role-mananalo ka pa din ng award. 





May 24, 2020

Comments

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Tawa ko nang tawa dito. Hinding-hindi ko malilimutan yung natapilok si Sharon as Sisa at nagtawanan ang mga classmates. At yung role na yun kay R sha dapat, kaso mag-a-absent yata si R the day of presentation? Tapos, gusto ni F na ako mag-Sisa replacement ni R kasi mabilis daw ako mag-memorize ng lines. Pero natakot kami pareho sa kidlat na nakamamatay na titig ni Ate Shawie habang nagko-conspire kami, so hinayaan na lang namin sa kanya yung role. Hahahaha! Labyu, Ate Shawie!

    Btw, naalala ko, di ba gumanap ka Basilio ba or Crispin? Yung part na pinatay si Crispin for me is the most moving chapter of Noli. I actually liked Noli, pero boring nga ang El Fili. Pero din kasi, yung version na binabasa natin nung HS bawdlerized na daw yan. Although, hindi pa ko nakabasa ng matinong version talaga.

    College ko din mas na-appreciate si Rizal. May subject kami Rizal's Life and Works.

    P.S. Ni-delete ko previous comment kasi may typo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Patay talaga tayo kay Sharon pag nabasa n'ya to. LOL

      Delete
  3. Again, a very nostalgic piece Mac. I love Noli and El Fili! Just like you, I had an early introduction to the story because of the Noli comics! Hahaha. But I appreciated the stories more while reading the novels.

    I love the Sisa arc especially the death scene. I think it made me cry back then. Hahaha. Really a very memorable character.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming Salamat Sir Mo Fer! May mga high school stories pa ako na hindi naisusulat.

      Delete
  4. Ang masaya naman talaga diyan ung mga practice.. pag performance na, "balanakaujan" na ang peg hehehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tawa ako ng tawa sa balanakaujan. Naalala mo nung nag judge ako ng speech contest sa SPVA?

      Delete

Post a Comment

Popular Posts